Monday , December 23 2024

Departamento ng OFWs pinamamadali ni Koko

IPINAAPURA ni Senador Aquilino Koko Pimentel III ang pagtatatag ng isang ahen­siya na tututok sa kapakanan ng overseas Filipino workers (OFWs).

Tinutukoy ng senador ang paglikha ng Department of OFWs.

Ayon kay Pimentel hindi maikakaila ng gobyerno na sa  11 Pinoy isa rito ay nagta­trabaho sa ibayong dagat para mabigyan nang maayos na buhay ang kanilang mga pamilya.

Aniya, dapat ay may isang ahensiya na ang tanging mandato ay tumutok sa kapakanan ng OFWs at ito ang Department of OFWs.

Ipinaliwanag ni Pimentel na ipaubaya sa Department of Labor and Employment ( DOLE) ang pamamahala sa local employment at ang Department of OFWs ang bahala sa overseas employ­ment para matutukan ang proteksiyon ng mga OFW.

Magugunita na naghain si Pimentel ng Senate Bill 1445 noong 10 Mayo 2017 na naglalayonh magbuo ng isang departamento na tututok para sa kapakanan ng OFWs.

(CYNTHIA MARTIN)

About Cynthia Martin

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *