Monday , December 23 2024

Party-List system dapat pa bang tangkilikin?

NALUNGKOT tayo sa kinahinatnan ng party-list system sa ilalim ng ating voting system

Ang alam nating layunin ng pagkakaroon ng party-list system ay upang tapatan ang mga political dynasty sa bansa at nang sa gayon ay magkaroon ng tunay na kinatawan ng marginalized sectors sa Kongreso.

Sa unang arangkada, bagama’t marami rin ang kuwestiyonable, mas malaki ang bilang ng party-list representatives na tunay na kinatawan ng marginalized sectors ang nakapasok sa Kamara.

Kahit paano, narinig ang boses ng maliliit na mamamayan sa Kongreso.

Pero habang lumalaon, nag-iba na ang mukha ng party-list representatives.

Hindi na totoong marginalized sectors ang kinakatawan nila kundi interes na ng mga negosyanteng over-protective sa kanilang negosyo at angkan na rin ng mga ‘trapo’ (traditional politician) ang bumuo ng kanilang party-list at ginawang nominee ang lolo, tatay, nanay, kuya, uncle, auntie, ate, bunso at iba pang miyembro ng angkan. Buti na lang hindi puwede ang ‘pet.’

May party-list representative na presidente ng malalaking kompanya. Mayroon namang party-list rep na dati ay walang-wala pero ngayon ay paldong-paldo na.

Kaya isa tayo sa nag-aabang kung sino ang senador na magpapanukala na buwagin na ang party-list system.

Hindi lang natin alam kung maaaprobahan sa kongreso ‘yan na matagal nang kontrolado ng mga komprador burgesya.

Aba, e kung isa na ‘yang balon na nakapag­sasalok ng pitsa at kapangyarihan ang mga poli­tiko, bubuwagin pa ba nila ‘yan?!

Kaya kung umaasa tayo na ang party-list system ay tunay na maglilingkod sa interes ng marginalized sector gaya ng mga manggagawa, magsasaka, mangingisda, estudyante, kaba­baihan, vendors, security guards, sales ladies, service crew at iba pang opisyo na kinasasadlakan ng maliliit nating kababayan, e nagkakamali po tayong lahat.

Ang party-list system ay isang ‘braso’ na luklukan at ekstensiyon ng kapangyarihan ng mga trapo.

Kung tayo ang tatanungin, mas dapat na buwagin at lusawin na ang party-list system dahil hindi na ito naglilingkod sa tunay na layunin ng pagkakabuo nito.

Kaya sa darating na eleksiyon, maging mata­lino po tayo sa pagpili ng natitirang party-list na tunay na naglilingkod sa maliliit nating kaba­bayan.

Habang hindi pa nabubuwag ‘yang party-list system, huwag nating hayaang masalaula ang ating pagboto.

BI-LAS PIÑAS
FIELD OFFICE
IMBESTIGAHAN!

KUNG mayroon daw isang dapat parangalan ang Bureau of Immigration (BI) pagdating sa kolek-tong ‘este koleksiyon, ito raw ang sangay ng BI field office sa Las Piñas.

Mula raw kasi nang naitatag ito noong naka­raang taon lang ay naging panglima sa laki ng kanilang kolek-tong ‘este koleksiyon pagdating sa SWP or Special Working Permit.

Bravo! Palakpakan!

Isipin na lang kung gaano kalayo at katrapik ang lugar ng Las Piñas at nagagawa pang punta­han ng mga kliyente na galing sa ibang lugar sa Metro Manila, Batangas at Laguna gayong nandiyan naman ang BI Main Office na mas maginhawa ang pagpoproseso ng SWP.

Anong formula mayroon sa BI Las Piñas field office at dinudumog ng mga dayuhan para sa kanilang mga dokumento?!

O ‘di kaya ang BI Sta. Rosa o ang BI SM Aura na naging masigasig ang dating bossing nila roon na si DON ‘este Atty. Maminta?

Nagrereklamo na raw ang BI Sta Rosa at BI Batangas dahil tila nakopo raw ng BI Las Piñas ang mga dati nilang kliyente roon?!

Sabagay anong magagawa kung talagang mabilis ang pitsa ‘este transaksiyon doon?

Mabilis as in kasing bilis ng alagang “Jack Russel” ganern?!

Pero teka, ‘di ba iniligwak na ni BI Comm. Morente ang mga tropapips ng sindikatong ‘PAMINTA’ na muntik nang nagpahamak sa kanya sa bureau?

Bakit tila may naiwan pa riyan sa BI Las Piñas?

Bakit nga ba?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *