Wednesday , December 25 2024
BARMM
BARMM Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao

Comelec handa na sa 2nd round ng BOL plebiscite

HANDA ang Commis­sion on Elections (Comelec) sa pamama­hagi ng mga election paraphernalia para sa ikalawang bahagi ng plebisito ng Bang­samoro Organic Law (BOL).

Sinabi ni Dir. Frances Arabe, Special Monitoring Team Over-all Head, lahat ng election form at mga kagamitan para sa plebisito ngayong araw (6 Pebrero ) sa Lanao del Norte at North Cotabato ay nasuri na kung kompleto at naibahagi na sa dalawang lalawigan.

Nakatakdang maa­gang mahatiran ng mga election paraphernalia kahapon (5 Pebrero) ang siyam na barangay sa Tulunan, North Cotabato, dagdag ni Arabe.

Ipinaliwanag niyang maagang hinatiran ng kagamitan ang nasabing mga lugar dahil ilan dito ay malalayo at ang iba naman ay may banta sa kapayapaan.

Samantala, ilalabas ang natitira pang mga election material sa madaling araw ng mis­mong araw ng ple­bisito.

Inaasahang nasa 639,361 rehistradong botante ang makikiisa sa pangalawang bahagi ng plebisito at higit sa 75% ang magiging voter turnout.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *