Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
road accident

5 patay 40 sugatan sa salpukan ng 2 bus (Sa Compostela Valley)

LIMA ang patay at mahigit 40 ang sugatan nang magbangaan ang dalawang bus sa Compostela Valley nitong Lunes ng hapon.

Sa imbestigasyon ng awtoridad, biglang  pumutok ang gulong ng Metro Shuttle bus at nawalan ng kontrol sa manibela ang driver, dahilan para mapunta ang bus sa kabilang linya at sumalpok sa Bachelor bus.

Agad isinugod sa ospital ang mga sugatan na kinilala ang tatlo na sina Lorilyn Palo, Alexander Campos, at Vicente Dujali.

Umaasa ang mga pasa­he­ro na biktima ng banggaan ng dalawang bus na mabigyan agad sila ng tulong mula sa dalawang kom­panya.

Nabatid nasa mahigit 40 pasahero ang nananatili sa ospital ng Montevista, habang ang iba ay ini-refer sa Tagum City Provincial Hospital dahil sa kritikal na kondisyon.

Namatay ang driver ng Metro Shuttle bus, samantala kritikal ang driver ng Bachelor bus.

Sa panayam kay Supt. Arnold Palomo, provincial director sa Compostela Municipal Police Station, dalawa ang dead-on-the spot kabilang ang driver ng Metro Shuttle Bus habang ang tatlo ay dead on arrival.

Mula sa New Bataan patungong Davao City ang Bachelor bus, samantala mula Sawata, Laak papun­tang Tagum ang Metro Shuttle bus.

Pagdating sa Prk 92, Barangay Magsaysay, big­lang pumutok ang gulong ng Metro Shuttle kaya dume­retso ito sa kabilang lane at bumangga sa bache­lor bus.

Patuloy ang imbesti­gasyon ng pulisya hinggil sa insidente.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …