AWARE kaya si DOTr Secretary Tugade sa kasalukuyang estado o development ng construction at renovation ng Kalibo International Airport?
Para sa kaalaman ng kalihim, maraming agam-agam sa kasalukuyang contractor na Herbana Builders, Inc., sa klase ng kanilang trabaho sa naturang airport.
‘Di kasi naman, ang plano na dapat ay matapos ang naturang konstruksyon sa loob ng anim na buwan ay tila aabutin pa ng anim na taon bago matapos!?
Sonabagan!
Magmula nang inumpisahang bakbakin hanggang ngayon ay tila hindi aabot at malayong-malayo sa target na completion date na March 2019!
Hala?! Bakit nga ba?
Aba e paano tatapusin ang konstruksiyon sa isang airport kung tatlong tao lang ang gumagawa gayong P17 milyones ang halaga ng kanilang kontrata?!
Tatlong tao?!
Wattafak!
Lahat ng workers na kinuha ng Herbana Builders na galing sa Maynila ay pawang naglalayasan dahil hindi raw pinasasahod ng nasabing contractor?!
Susmaryosep!
E paano lumusot sa bidding ng CAAP ang nasabing contractor kung tila wala namang kakayahan para gumawa ng ganito kalaking proyekto?!
Tsk tsk tsk!
Sino ba ang dapat sisihin tungkol dito?!
Ang CAAP ba dahil hindi nagbabayad sa contractor o ang contractor na wala namang pang-abono?
Aba magsalita kayo?!
This is for you to know, DOTr Secretary Art Tugade, Sir!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com