Sunday , December 22 2024

Kalibo Int’l Airport rehab usad-pagong, (Paging DOTR Sec. Tugade!)

AWARE kaya si DOTr Secretary Tugade sa kasalukuyang estado o development ng construction at renovation ng Kalibo International Airport?

Para sa kaalaman ng kalihim, maraming agam-agam sa kasalukuyang contractor na Herbana Builders, Inc., sa klase ng kanilang trabaho sa naturang airport.

‘Di kasi naman, ang plano na dapat ay matapos ang naturang konstruksyon sa loob ng anim na buwan ay tila aabutin pa ng anim na taon bago matapos!?

Sonabagan!

Magmula nang inumpisahang bakbakin hanggang ngayon ay tila hindi aabot at malayong-malayo sa target na completion date na March 2019!

Hala?! Bakit nga ba?

Aba e paano tatapusin ang konstruksiyon sa isang airport kung tatlong tao lang ang gumagawa gayong P17 milyones ang halaga ng kanilang kontrata?!

Tatlong tao?!

Wattafak!

Lahat ng workers na kinuha ng Herbana Builders na galing sa Maynila ay pawang naglalayasan dahil hindi raw pinasasahod ng nasabing contractor?!

Susmaryosep!

E paano lumusot sa bidding ng CAAP ang nasabing contractor kung tila wala namang kakayahan para gumawa ng ganito kalaking proyekto?!

Tsk tsk tsk!

Sino ba ang dapat sisihin tungkol dito?!

Ang CAAP ba dahil hindi nagbabayad sa contractor o ang contractor na wala namang pang-abono?

Aba magsalita kayo?!

This is for you to know, DOTr Secretary Art Tugade, Sir!

Tuloy na naman ang ligaya sa Lawton Illegal Terminal

Aba, namamayagpag na naman daw ang illegal terminal sa Plaza Lawton.

Kaya ‘yung mga taong dumaraan diyan sa Plaza Lawton ay sikip na sikip na at hilong-hilo dahil balik bantot na naman.

Kasi nga naman, hindi na nila maintindihan kung para kanino ba ang plaza?

Para ba ito sa mga pedestrian o para gawing illegal terminal?!

Kung hindi tayo nagkakamali, inasunto na ang mga barangay official na nagpapabaya sa kanilang nasasakupan at pinamumugaran ng illegal terminal dahil malaking obstruction ‘yan sa paggaan ng trapiko sa Metro Manila.

Pero parang wala lang — pati ang Metropolitan Manila Development Authority  (MMDA) at Department of the Interior and Local Government (DILG), mukhang wala nang ginagawa para walisin ang illegal terminal sa Lawton.

Sa totoo lang, ang mga promotor sa pamamayagpag ng illegal terminal sa Plaza Lawton ay malaking batik sa administrasyon ni Mayor Erap.

Wala silang paki sa reputasyon ng mayor basta’t ang importante tuloy ang kanilang ligaya!


Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *