Friday , November 22 2024
President Rodrigo Roa Duterte visited the troopers of the 602nd Infantry Brigade (602nd IB) in their headquarters at Camp Robert Edward Lucero in Carmen, North Cotabato on June 6, 2017. He kicked off his visit with a situation briefing with the Armed Forces of the Philippines officials. He then proceeded to talk to the troopers where he said the issue of terrorism has become complex now that the terrorists groups has used money from illegal drugs to fund their terrorist activities. He then ordered the soldiers to end the threat of the terrorists as he wants the terrorist groups crushed. Moreover, the President said he is putting the welfare of the soldiers as his top priority claiming that he will take full responsibility of the military's actions. He also announced that he has set aside a trust fund that will cover the educational expense of the soldiers' children. The President ended his speech by thanking the soldiers for serving the country and he also appealed for their loyalty as he needs the military to end terrorism in the country. PRESIDENTIAL PHOTO

Pirma ng pangulo sa Integrated National Cancer Control Program hinihintay

NAKALULUNGKOT man, dahil napaka-reactive ng ahensiya ng pamahalaan sa paglikha ng mga programang nakatuon sa kalusugan ng mamamayan ay gusto pa rin nating magpasalamat kahit paano lalo na kung malalagdaan na ng Pangulo ang Integrated National Cancer Control Program.

Sa kasalukuyan, cancer ang ikalawa sa may pinakamalaking bilang na dahilan ng pagka­matay ng mga Filipino. Una rito ang cardio­vascular diseases.

Sabi nga, kapag tinamaan ng cancer mauubos ang lahat ng pundar. E paano kung pobre ‘yung tinamaan?!

Kaya ang batas daw na lalagdaan, ‘yan daw ang aalalay sa mga nagkakasakit ng kanser.

Sabi ng mga henyo sa kalusugan gaya ni Linus Pauling, “You can trace every sickness, every ailments, every disease, through a mineral deficiency.”

Kung susundan ng mga awtoridad sa kalusugan sa ating pamahalaan ang sinabing ito ni Pauling, dapat na ang ahensiyang nanga­ngalaga sa kalusugan ng mamamayan ay dapat mag-isip kung paano magiging mahusay ang kalusugan ng mga Filipino.

Hindi gaya ngayon, na nagtatayo o lumilikha ng medical centers para sa mga maysakit — hindi para turuan ang mamamayan kung paano maging malusog.

Dahil sa ganitong sistemang umiiral, ang kaisipan tuloy ng mga Pinoy, pupunta lang sila sa doktor kung maysakit at sasailalim sa iba’t ibang uri ng laboratory test dahil kailangan na.

Hindi ba kayang gawin ng gobyerno na kahit walang nararamdamang masama sa kanyang katawan ay dapat sumailalim sa mandatory annual check-up upang masubaybayana ng kanilang kalusugan?!

Ang tanging nakagagawa niyan ay mala­laking kompanya lamang, e paano ‘yung mga mamamayan na walang trabaho o mga babae nangangalaga ng kanilang tahanan?!

Hindi lamang mga maysakit ang dapat inaalagaan ang kalusugan dapat ganoon din ang bawat mamamayan kahit walang sakit. Narara­pat lang na magkaroon ng karapatan ang bawat mamamayan na matiyak na alam nilang wala silang mabigat na karamdaman.

Dapat din maipamulat ng pamahalaan sa bawat mamamayan na ang pagmamantina ng mabuting kalusugan ay hindi sa pamamagitan ng mga gamot mula sa big pharmaceutical companies.

Maraming paraan na makatutulong para maging mabuti at maayos ang kalusugan ng bawat mamamayan gamit ang kabang yaman ng bayan. Hindi ‘yung lalabas lang ang pondo kapag maysakit at lupaypay na ang mamamayan — at parang pulubing namamalimos sa mga ahensiya ng pamahalaan.

Sana ang batas na lalagdaan ng Pangulo para sa Integrated National Cancer Control Program ay maging simula ng maayos na trato sa kalusugan ng bawat mamamayang Filipino.

Isa tayo sa umaasang darating ang panahon na ito.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *