Monday , December 23 2024

Juvenile Justice Act palpak sa kawalan ng pondo

LUMALABAS sa pagdi­nig ng Senate Justice Committee on Justice and Human Rights  na pina­mumunuan ni Senador Richard Gordon na hindi naipatupad nang maayos ang Juvenile Justice Welfare Act dahil sa kakulangan ng pondo para maipatupad nang maayos.

Sa pagdinig sa sena­do, inamin ni Juvenile Justice and Welfare Council (JJWC) Executive Director Atty. Tricia Oco na may kakulangan sila sa bahay pag-asa para sa paglalagyan ng minor offenders.

Ipinaliwanag na Oco na tanging 55 bahay pag-asa pa lamang ang nag-ooperate sa buong bansa na dapat sana ay 140 yunit.

Sa naturang pagdinig, sinabi ni Oco na minsan ay may law enforcers na hindi nakauunawa na kapag murder ang kaso ng isang bata dapat ay idinedetine sa bahay pag-asa.

Lumabas din sa pag­dinig na walang pondo na nakapaloob sa 2019 bud­get para sa bahay pag-asa.

Iginiit ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa pagdinig na kanyang isusulong sa Bicam para sa budget hearing ang paglalaan ng pondo para sa bahay pag-asa upang maipatupad nang maayos ang Juvenile Justice Welfare Act.

Aminado rin si Gordon na may problema sa pondo at sa imple­mentasyon kaya pumal­pak ang pagpapatupad ng batas. (CM)

About Cynthia Martin

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *