Monday , January 13 2025

Sindikatong gumagamit sa mga bata patawan ng parusang mabigat

NANANAWAGAN si Senador Joel Villanueva sa pamahalaan at mga mambabatas na bigatan ang parusa sa mga guma­gamit sa mga kabataan para gumawa ng isang krimen.

Ito ang isa sa nakiki­tang solusyon ni Villa­nueva sa dumaraming bilang ng mga kabataan na nasasangkot sa krimen.

Ayon sa  Senador, imbes ibaba ang criminal liability sa 9 anyos tulad nang naipasa ng house mas makabubuti na bigatan ang parusa sa mga gumagamit sa mga bata sa mga ilegal na operasyon o pagpasok sa krimen.

Naniniwala si Villa­nue­va na ang mga inosen­teng kabataan ay biktima rin ng matatandang nag­tuturo nang mali kapalit ng pananakot o malaking halaga.

Kasabay nito, nana­na­wagan si Villanueva sa gobyerno na palakasin ang intelligence unit at gawin ang lahat ng kapa­sidad para mapababa ang krimen imbes parusahan ang mga kabataan.

Binigyang-diin ng senador, dapat rin i-improve ang mga reha­bilitasyon para sa mga kabataan na naliligaw ng landas.

Dagdag ni Villanue­va, ang pagdami ng bilang na nasasangkot ang mga kabataan sa kriminalidad ay pagpa­patunay na bigo ang pamahalaan na bigyan ng proteksiyon ang mga kabataan kung kaya’t mali aniya ang pananaw ng ilan na parusahan ang mga batang wala pang kamalay-malay na nasa­sabit sa krimen. (CM)

About Cynthia Martin

Check Also

NGCP

Solon: Do not blame NGCP, wants ERC penalized for allowing NGCP to pass on franchise tax to consumers

The Energy Regulatory Commission (ERC) admitted issuing a resolution allowing NGCP to pass on its …

Faith in Action A Christmas of Compassion and Giving

Faith in Action: A Christmas of Compassion and Giving

As the Christmas season enveloped us in its joyous preparations, a heartwarming reminder of the …

Arrest Shabu

Bigtime lady drug supplier tiklo sa P6-M shabu ng QCPD

DINAKIP ng Quezon City Police District (QCPD)  Batasan Police Station 6 ang kilalang bigtime lady …

Traslacion Nazareno

Pagkagaling sa Traslacion  
10 miyembro ng DOH medical team sugatan sa bangga ng dump truck

SAMPUNG miyembro ng Department of Health medical team ang isinugod sa ospital nang mabangga ng …

011025 Hataw Frontpage

Pinakamatagal mula 2020
8-M DEBOTO LUMAHOK, HALOS 21 ORAS ITINAGAL NG TRASLACION 2025

HATAW News Team NAITALA ngayong taon ang pinakamatagal at pinakamahabang prusisyon bilang pagdiriwang ng Pista …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *