Friday , November 22 2024

Selfie vs Survey: Gadon umangal sa Comelec

UMAANGAL ang isang kandidatong senador, si Atty. Larry Gadon sa Commission on Elections (Comelec) na hindi raw dapat pinapayagan na nahahayag sa publiko ang resulta ng iba’t ibang uri ng survey.

Ayon kay Gadon, may kinikilingan umano ang mga naglalabasang survey.

Nagtataka raw kasi siya kung bakit hindi man lang siya nakapapasok sa mga survey, gayong marami naman umanong nagpapa-selfie sa kanya sa publiko.

Kung hindi po kayo pamilyar kay Atty. Larry Gadon, siya po ‘yung naghain ng petisyon laban kay dating chief justice Lourdes Sereno.

Nahaharap din siya sa disbarment case dahil pinagmumura niya ang mga supporters ni Sereno sa harap ng Supreme Court.

Kung naalala na ninyo, puwes maiintindihan na ninyo kung bakit siya nagrereklamo ngayon sa Comelec.

Sinasabi rin niya na sa social media survey umano ay pasok siya sa Top 12 ng mga kandi­datong senador.

Gusto lang natin itanong, Top 12 ba ‘yan mula sa itaas o mula sa ibaba?!

Hak hak hak!

Pero siyempre, mukhang nag-iingay si Atty. Gadon para libreng mapansin ng media.

Sa totoo lang, ang pag-iingay ng mga kandi­datong gaya ni Gadon ay nagmimistulang ‘icebreaker’ sa ‘malalamig’ nilang karera sa politika.

E kung gustong mag-number ni Atty. Gadon, subukan kaya niyang magpa-komisyon ng survey?!

Sa madaling salita, tumosgas ka Atty. Gadon, kung gusto mong maging bida sa survey.

Pasintabi po sa mga totoong patok sa iba’t ibang survey.

Try mo lang Atty. Gadon, wala namng mawawala sa iyo  kung magpapa-survey ka ‘di ba?!

Yakang-yaka mo ‘yan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *