Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bill pag-aralan mabuti — Binay (Sa ‘batang bilango’)

TUTOL si Senadora Nancy Binay na ibaba ang edad ng kabataan na nasasangkot sa krimen.

Ayon kay Binay may ibang paraan upang mai­ligtas ang ilang kabataan.

Mahigpit ang pagtu­tol ni Binay na ibaba ang edad ng kabataan mula 15 anyos sa 9 anyos para samaoahan ng kasong kriminal.

“As a mother of 9-year old twins, alam ko sa ganitong edad wala pa silang tamang kakayahan to decide kung ano ang tama at mali,” ayon kay Binay.

Kasunod ng hiling ni Binay sa mga kapwa mam­babatas na pag-aralang mabuti ang panu­kala na maaaring maka­apekto sa mga kabataan.

“Studies in Psycho­logy and Neurobiology show that brain function reach maturity only at around 16 years old,” ayon kay Binay.

“Hinihimok po natin ang mga kapwa natin mambabatas na huwag madaliin at magpadalos-dalos sa mga batas na magtatakda sa kinabukasan ng mga bata,” ayon kay Binay.

Kung ginagamit ng sindikato ang mga kabataan sa kanilang operasyon sa paggawa ng krimen dapat na pag-ibayuhin ang trabaho ng mga awtoridad upang maisalba ang kabataan na mapaghinalaan o masisi.

“Hindi po lahat ng bata ay batang-hamog, at kaagad na lang ituturing na delinkuwente ‘pag nagkamali. At hindi lahat ng batang nalihis ng landas ay agad na ituturing na kriminal. We are definitely missing the point regarding this issue. These manipulated youth are also victims. We need to strengthen our social systems and not only the penal system,” dagdag ni Binay.

Binigyang-diin ni Binay, dapat mahigpit na ipatupad ang pagbuo ng barangay councils for the protection of children (BCPC).

“RA 9344 mandates that LGUs should allot 1% of their internal revenue allotment (IRA) for the BCPCs, which have the power to take preventive steps against juvenile delinquency” ani Binay.

“Hindi dapat tratuhin na parang mga halang na kriminal ang mga bata. They don’t deserve to be condemned by society. They are children. These kids are practically victims of cir­cum­stances.”

(CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …