Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest prison

Sa criminal act ng menor de edad: Magulang panagutin

DAPAT managot ang mga magulang sa anu­mang nagawang criminal act ng kanilang mga anak.

Sa press briefing sa Palasyo kahapon, sinabi ni Presidential Spokes­man  Salvador Panelo, sa paniniwala ni Pangulong Rodrigo Duterte, hindi dapat pinababayaan ng mga magulang ang mga anak na masuong sa masamang gawain o mas hindi nila dapat paya­gang magamit ang mga bata sa criminal activities ng ibang mga tao o sindikato.

Ayon kay Panelo, dapat makulong o pag­kaitan ng parental cus­tody ang mga magulang na may mga anak na nakagawa ng krimen.

Binigyang-diin ni Panelo na ang pananaw ng Pangulo na babaan ang edad ng mga batang dapat mapanagot sa mga nagawang krimen ay para protektahan sila.

Ginagamit aniya ng mga kriminal o sindikato ang mga batang nasa edad 9 anyos pataas dahil hindi sila nakukulong kundi pinanga­ngaralan lamang, at kapag pina­kawalan na, muli silang gagamitin sa ilegal na aktibidad ng mga kri­minal.

Hindi masabi ni Panelo kung anong edad ang nais ni Duterte na dapat ay makulong ang mga batang nakagawa ng krimen.

Itatanong muna niya ito sa Pangulo, pero kung siya ang tatanungin, pabor siya sa edad na 9 anyos para maparusahan at makulong kapag nasangkot sa krimi­nalidad.

Depende aniya sa pagkakaintindi ng bata, lalo sa panahong ito na maagang nakauunawa at nag iisip na parang matanda ang mga menor de edad.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …