NAKATANGGAP tayo ng ilang reklamo kaugnay sa ginagawa ng pamunuan ng isang tila walang silbing barangay sa Maynila na mukhang patulog-tulog ‘ata.
Ang isyu ay binabalewala raw ng Brgy. 181 Zone 16 na pinamumunuan ni Chairman Pacifiko Geronimo ang mga problema at sumbong na idinudulog sa kanila ng mga residente sa kanilang lugar.
Sa pinakahuling sumbong na ipinadala sa Bulabugin ay ang parang ‘lutong-makaw’ ang sistema ni kupitan ‘este Kapitan Geronimo kaugnay sa isang nagpaayuda sa kanilang barangay na ang pinagtatalunan ay salapi.
Halos umiiyak na nagsumbong ang nagrereklamo dahil panay pangako at re-schedule ng barangay para sa mediation/hearing.
Isang simpleng “certificate to file action” ay mukhang ayaw magbigay ni Kapitan Geronimo dahil BFF umano niya ang inirereklamo.
Ayaw na ayaw pa naman ni DILG Usec. Martin Diño nang ganyang estilo ng barangay chairman!
By the way, kumusta ba ang barangay mo Kapitan Geronimo pagdating sa peace and order, sugal at droga?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap