Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
DOT tourism

Ex-DoT chief Alunan sinabon si Sec. Puyat

DESMAYADO si dating Tourism secretary at ngayon ay Bagumbayan Party senatorial bet Raffy Alunan III sa naging performance ni kasalukuyang Department of Tourism (DoT) Secretary Berna Romulo Puyat sa nakaraang pagdiriwang ng Ati-Atihan Festival sa Kalibo, Aklan.

Wala si Puyat sa pagdiriwang ng Ati-Atihan Festival na tinagurian pa namang “Mother of All Festivals” sa buong bansa at nagpapakita ng ating mayabong na kultura at tradisyon na malaking bagay sa pagsusulong ng masiglang turismo.

“Dapat hands on ka, para alam mo kung ano ang nangyayari sa ibaba. Paano mo malalaman kung paano mo ibebenta ang isang produkto kung ikaw mismo ‘di mo naman naintindahan ang produkto mo?” payo ni Alunan kay Puyat.

Ilan sa pinuna ni Alunan ang limitadong mga biyahe papuntang Kalibo bago sumapit ang kapistahan at ang hindi magandang impra­estruktura.

“Improve access and tourism infrastructure. Expand the seaport and airport, as well as ground transport and hotel accommodation,” ayon kay Alunan.

“Before the Ati-Atihan Festival imbes mas dumami ang flight sa Kalibo, mas konti, kaya nahirapan ang mga tourist na marating ang Kalibo at limited lang ang guest. Kailangan mag-isip ang ahensiya (DOT) kung paano mapapabalik ang mga turista  sa isang tourist spot hindi lang tuwing may festival,” dagdag ng dating DoT chief.

Binigyang-diin ni Alunan ang kapakinabangan ng mga kababayan natin sa magandang takbo ng turismo dahil isa itong “force multiplier” na lilikha ng mas maraming trabaho sa naturang lugar.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …