Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vice Ganda, tagahanga ni Dingdong, noon at ngayon

IBINAHAGI ni Dingdong Dantes sa kanyang Instagram account ang mga kuwento sa kanya ni Vice Ganda bago lubusang sumikat sa showbiz.

Magkasama ang dalawa sa MMFF 2018 entry na Fantastica, na pinagbibidahan ni Vice.

“Naikuwento sa akin ni @praybeytbenjamin na not so long ago, kasama siya sa libo-libong mga tao na nag-aabang ng MMFF caravan na dumadaan sa may FEU.

“Katulad din ng marami, sobrang nabibighani siya tuwing may dumadaan na mga gumaganap sa pelikula, at ‘di niya nalilimutan ‘yon,” post ng Kapuso actor.

“Tignan mo naman ang tadhana— ang dating kumakaway bilang manonood ay siya nang kumakaway mula sa float na tinitingalaan ng marami.”

Dagdag pa ni Dingdong, natuklasan niya kung bakit marami ang nagmamahal kay Vice.

“Maraming salamat, Vice, at nabigyan ako ng pagkakataon na malaman kung bakit ka nga ba minamahal ng milyon-milyon nating mga kababayan.

“Pagkatapos ng experience kong katarabaho ka, nasabi ko na sa sarili ko, ‘ah…kaya naman pala.’ You give so much of yourself to that difficult quest of entertaining people who need it the most— at the place, and at the right time. Sabi nga ni PT Barnum, ‘The noblest art is that of making others happy.’ Hindi siya madali, but you always wing it. Congratulations, Fantastic ka!”

Nang mabasa ito ni Vice, ay sumagot siya sa comments section. Mensahe niya sa misis ni Marian Rivera, “Mula noon hanggang ngayon isa akong tagahanga. At isa ka sa mga hinahangaan at inaasam na makita kong artista noon pa man. At hanggang ngayon palihim akong sumusulyap sa ‘yo tulad ng isang pangkaraniwang fan at idagdag pa ang pagkataranta ko nang dumating ang asawa mong si Marian sa set. Napakapalad ko na ang isang fan na tulad ko ay nakakapiling at nakakatrabaho na ang mga artistang hinahangaan ko. Nagkakatotoo talaga ang pangarap. Salamat sa pagkakataon!!!!! At CONGRATULATIONS sa ating lahat. Tagumpay tayo!!!!!”

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …