Friday , November 22 2024

Si Kakang Freddie nagkakandarapa maging Senador e wala naman palang “K”



SABI nga, ang ilog na mababaw, maingay.

Kaya naman pala walang tigil sa pagrepeke itong si Kakang Freddie Aguilar — kasi ang estilo niya’y mema lang — as in, me masabi lang.

Hak hak hak!

Kabanat-banat ba naman e, “Ang maganda po sa China, wala po silang record ng pangangamkam ng lupa nang may lupa. So hindi po ako natatakot sa Chinese.”

Gustong maging senador, e sa current events pa lang, bokya na.

Mukhang pang-row four ang tirada mo Kaka. Row four na malapit sa trash can.

Arayku!

Hindi mo gayahin si alyas Leon Guerrero, mas pipiliin na niyang masabihan na tagabutas ng bangko pero hinding-hindi siya gagaya sa isda na magpapahuli sa sariling bibig.

Alam mo Kaka, walang tatawad sa husay mong kumanta — kaya puwede ba, kumanta ka na lang?!

Sino bang may galit sa iyo ang nagpayong pumasok ka sa politika?! O baka naman tumatakbo ka lang for the fun(d) of it?!

Ganoon ba ‘yun?!

Suspetsa natin, mayroong ‘malaking baka’ na nangako kay Kaka na siya ay popondohan.

Aba, kung manalo nga naman sa Senado, protek­siyon din ‘yan.

Anyway, alam naman nating, may nakata­gong ‘diwang makabayan’ sa puso ni Kakang Freddie. Pero ang pagpasok niya sa politika ay hindi garantiyang patuloy niyang mapag-aalab ang pagiging makabayan.

Bukod diyan, hindi nga nakikita ang pangalan niya sa mga survey…

Sa isang bagay lang siya number one…

Number siya sa mga kulelat.

‘Yun lang!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap



About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *