Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
road closed

Pagbuwag sa Road Board plantsado na

NAGKASUNDO ang Senado at Kamara sa isyu ng isinusulong na pagbuwag sa Road Board.

Nakipagpulong sina Senate President Pro Tempore Ralph Recto at Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri kay House Majority Leader Rolando Andaya, Jr.,  para sa mga hakbangin ukol sa paglusaw sa Road Board.

Ayon kay Zubiri, napagkasunduan na simple lang ang gagawing amyenda sa plano.

Aniya, ang Road Users’ Tax ay gagamitin sa pagpapagagawa at pagsasaayos ng mga kalsada, tulay at road drainages at isasama sa General Appropriations Act.

Paliwanag ni Zubiri, nangangahulugan ito na mabubusisi na sa Ko­ngreso ang paggasta ng naturang buwis.

Aniya, ilalatag nila sa mga kapwa senador ngayong araw ang napag-usapan kagabi at inaasa­han na mabilis na magkakaroon ng bicameral meeting ukol dito.

Noong Setyembre ipinasa sa Kamara ang panukalang pagbuwag ng Road Board at sang-ayon ang Senado ngunit kinalaunan ay kumam­biyo ang mga congress­man at binawi ang kani­lang naging hak­bang.

 (CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …