Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
nakaw burglar thief

Bahay ng pulis sa Camp Bagong Diwa pinasok ng kawatan

NABIKTIMA ang isang pulis ng hindi pa kilalang kawatan matapos pasukin ang kanyang tirahan sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Taguig City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si PO3 Roy Guiyab, 32, miyem­bro ng Philippine National Police (PNP) at nakatalaga sa District Investigation and Detective Management Division (DIDMD) ng South­ern Police District (SPD).

Ayon sa ulat ng SPD, 8:15 pm, nang pasukin ng magnanakaw ang bahay ng pulis sa loob ng SPD Quartering, Camp Bagong Diwa, Barangay Lower Bicutan, sa Taguig City.

Nadatnan ng biktima na magulo ang loob ng kanyang unit at nawawala na ang kanyang caliber .9mm pistol Glock 17 Gen 4 na may serial # PNP10184 na nagka­kahalaga ng P16, 659; gin­tong kuwintas na P3,200.00 at P8,000.00 cash na umabot sa kabuuang P27, 859.94.

Patuloy ang isina­saga­wang imbestigasyon ng awtoridad sa naturang insidente.  (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …