Monday , May 5 2025
shabu drug arrest

3 nag-away, 1 arestado sa abutan ng shabu (Dahil sa droga)

IKINAPAHAMAK ng tatlong sanggano ang pagwawala sa kalsada habang isa ang naaktohang nag-aabutan ng droga sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Caloocan Police Community Precinct (PCP) 2 commander C/Insp. Merben Bryan Lago, dakong 8:45 ng gabi nang respondehan ng kanyang mga tauhan ang tawag hinggil sa isang grupo na nag-aamok at sa L. Lupa St. ,Brgy. 32.
Pagdating ng mga pulis sa naturang lugar, natiyempohan ang tatlong suspek na nag-aaway sa nasabing kalye dahil umano sa pag-aangkinan ng shabu na nauwi sa away.
Agad inaresto ang mga nagwawala na sina Roberto Sapico, 49-anyos, ng Kadiwa St. Brgy. 27 anyos; Rodolfo Oliveria, ng Kabulusan II, Brgy. 22; at Larry Agrisola, 36-anyos ng Agila Alley, Libis Nadurata, Brgy. 18 sa siyudad.
Nang kapkapan ang mga suspek ay nakuha ang tatlong plastic sachet na naglalaman nang hindi pa matukoy na halaga ng hinihinalang shabu.
Dinala ang mga suspek sa himpilan ng pulisya at sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165  (Dangerous Drug Act of 2002).
Dakong 6:20 ng gabi, nagsasagawa ng detective beat patrol ang mga operatiba ng SSOU sa pangunguna ni S/Insp. Rammel Ebarle sa P. Bonifacio St., Brgy. 77 nang maaktohan ang dalawang lalaki na nag-aabutan ng isang plastic sachet. Nang komprontahin, mabilis nagpulasan ang dalawa sa magkahiwalay na direksiyon pero nagawang maaresto ng mga operatiba si Leonard dela Peña Sr., 43-anyos at nakoumpiska sa kanya ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu.
(rommel sales)

About Rommel Sales

Check Also

Makati Taguig

Taguig ‘di tinanggihan naudlot na P200-B Makati subway project — Cayetano

BINIGYANG-LINAW ni Senador Alan Peter Cayetano na kailanman ay hindi tinanggihan ng pamunuan ng Taguig …

Yanna Vlog LTO Road Rage

Sa Zambales road rage
Motorcycle vlogger inisyuhan ng LTO-SCO

INISYUHAN ng Land Transportation Office (LTO) ng ‘Show Cause Order” (SCO) ang isang sikat na …

Tuguegarao

Tuguegarao, inaasahang may magbabalik

HINDI mapigilan ang ingay at init ng kalsada sa Norte nitong mga nakaraang linggo matapos …

Comelec Vote Buying

Vote-buying sa pormang ayuda
Marikina public school teachers umapela sa Comelec para imbestigahan si Quimbo

UMAPELA ang isang grupo ng public school teachers mula Marikina City sa Commission on Elections …

PAMILYA KO Partylist Atty Anel Diaz

PAMILYA KO PARTYLIST TANGGAP MAGIGING RESULTA NG HALALAN
Pananatiling pasok sa survey ipinagpasalamat

HANDA ang Pamilya ko Partylist sa magiging resulta ng halalan sa 12 Mayo 2025. Ito …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *