Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ambon sa Traslacion asahan — PAGASA

KATAMTAMAN ang pa­na­hon pero may tsansang dumanas ng ambon ang aasahan sa Metro Manila bukas, Miyerkoles, sa araw ng Kapistahan ng Itim na Nazaren0, ayon sa weather bureau.

Ayon kay weather specialist Meno Men­doza, kahapon, Lunes ay wa­lang naiulat na weather disturbances sa Philip­pine area of responsibility sa loob ng tatlong araw.

Ang hanging-amihan ay magpapatuloy na domi­nanteng  klima sa Luzon.

Sa isinagawang special weather outlook ng Philippine Atmos­pheric Geophysical and Astronomical Services Administration’s (PAGA­SA) para sa naka­takdang religious festival, sinabi nilang katam­ta­mang panahon ang aasa­han sa susunod na apat na araw na may posi­bilidad ng pag-ambon.

Ang temperaturang mararamdaman ay sa pagitan ng 22 at 31 degrees Celsius.

Inaasahang milyon-milyong deboto ang da­rag­sa para sa Traslacion — ang prusisyon ng Itim na poong Nazareno mula sa Quirino Grandstand sa Rizal Park pauwi sa kanyang dambana sa simbahan ng Quiapo (Minor Basilica of the Black Nazarene).

Noong isang taon, umabot sa 22 oras bago natapos ang pru­sisyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …