Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

COMELEC sa politiko: Traslacion huwag gamitin sa kampanya

VIGAN CITY – Pinaalalahanan ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga politikong mananamantala sa isasagawang Traslacion 2019 sa bukas, 9 Enero.

Ayon kay COMELEC spokesman James Jimenez, inamin niya na mayroong problema ang poll body sa premature campaigning dahil walang parusang maaaring ipataw sa mga mapapatu­nayang maagang nangangampanya.

Ngunit, nakasaad sa batas na ipinagbabawal ang pangangampanya tuwing Huwebes at Biyernes Santo na gaya sa Traslacion ay isang relihiyosong aktibidad ng mga Katoliko.

Kung kaya’t binalaan ni Jimenez na mapapa­rusahan ang mga politikong mananamantala sa Traslacion sa darating na Miyerkoles.

Halimbawa rito ang simpleng pamimigay ng libreng tubig na may pangalan ng politiko sa bote, o mga libreng panyo na may nakaimprentang mukha at pangalan ng politiko.

Ayon pa sa tagapagsalita ng COMELEC, nais nilang mapanatili ang kataimtiman ng Traslacion dahil bukod sa isang relihiyosong aktibidad bahagi ito ng kultura ng maraming Filipino.

Katunayan ang ilan ay nagbubuwis ng kanilang buhay dahil sa kanilang pananam­palataya sa Itim na Nazareno.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …