Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest prison

Mag-inang ‘Jean Garcia’ 3 pa, timbog sa droga

APAT na babae kabi­lang ang kapangalan ng sikat na artista na si Jean Carcia at kanya umanong anak na babae ang naaresto ng mga pulis habang nagtatran­saksiyon ng ilegal na droga sa Caloocan City.

Kinilala ni Caloocan Police Community Pre­cinct (PCP) 7 head S/Insp. Geraldson Rivera ang mga naarestong suspek na sina Jean Garcia, 56-anyos; at anak na si Kathryn Garcia, 36; Jenny Hom­boy, 43; at Genevieve Lig-Ang, 26, pawang residente sa Magsaysay St.. Del Rey, Sta. Quite­ria sa Brgy. 163.

Sa ulat, dakong 5:30 ng hapon nang respon­dehan ng mga tauhan ng PCP-7 upang alamin ang reklamo mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap umanong illegal drug trade sa kahabaan ng Magsaysay St., sa nasabing lugar.

Pagdating sa natu­rang lugar, nakita ng mga pulis ang mga suspek na nagtatransaksiyon umano ng ilegal na droga na naging dahilan upang arestohin sila.

Narekober sa mga sus­pek ang apat na plas­tic sachet na nagla­laman ng hinihinalang shabu, disposable lighter, tim­ba­ngan at isang cell­phone.

Kasong paglabag sa RA 9165 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa piskalya ng Caloocan City.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …