Friday , April 18 2025

Paninitiktik sa teachers kinondena ng ACT

KINONDENA ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang ginagawang paniniktik at pag-iipon ng ‘dossiers’ ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang mga miyembro sa iba’t ibang paaralan sa buong bansa.

Sa kanilang pahayag, sinabi ng ACT na ang ginagawang pangangalap ng ‘dossiers’ ng PNP sa kanilang mga miyembro ay maihahalintulad sa ‘tokhang’ — ang pamamaraan ng pulisya sa pagbubuo ng narcolist sa hanay ng mga sangkot sa ilegal na droga.

Naniniwala ang ACT, ang tila imbentaryo sa mga guro ay bahagi ng anila’y ‘pasistang iskema’ ng Duterte administration para supilin ang lahat ng porma ng oposisyon.

“In essence, this PNP memo on inventory and profiling of ACT members is very similar to the tokhang list that the PNP forced barangay officials to fill out,” pahayag ng grupo.

“PNP, back off! Hands off our teachers! Hands off our schools! Stop profiling ACT members! Junk all memoranda on profiling of ACT members!” matapang na pana­wagan ng grupo ng mga guro sa kanilang pahayag.

Binigyang-diin ng ACT na ang ginagawang profiling sa kanilang mga miyembro ay malinaw na mga paglabag sa karapatan ng mga guro na organisahin ang kanilang hanay, kalayaan sa pamamahayag at pagpupulong, right to privacy, at ganoon din sa Magna Carta for Public School Teachers.

Ayon kay Joselyn Martinez, ACT national chairperson, nitong Huwebes ay nagpunta ang mga pulis sa kanilang paaralan sa Malabon, at hiningi sa kanilang principal ang pangalan ng mga kasapi ng ACT.

Ipinakita umano ng mga pulis sa principal ang memorandum order upang bigyang katuwiran ang kanilang ‘pagbisita.’

Katunayan umano ay ganoon din ang ginagawa sa Cebu, Isabela, at iba pang lalawi­gan sa Mindanao.

“Ang mga teacher, gumagawa kami ng aming tungkulin pero bakit kami gaganitohin ng Duterte government?” ani Martinez sa panayam.

“Ano ang susunod na gagawin ng mga (ka)pulis(an) matapos makuha ang mga pangalan? Papatayin nila kami? Anong gaga­win nila, ipapakulong nila kami?” tanong ni Martinez.

Nauna rito, ipinakita ng ACT ang kopya ng utos o memo ng PNP para sa imbentaryo ng kanilang mga kasapi, na lalagdaan dapat ng isang C/Insp. Rexson Layug ng Manila Police District Intelligence.

Itinanggi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar ang nasabing memo sa panayam sa ABC CBN.

Ngunit kinompirma ng intelligence chief ng Zambales provincial police na ang dokumen­tong ipinakita ng ACT ay genuine, at sila ay sumusunod lang sa atas.

Iginiit ni Martinez na ang ACT ay isang lehitimong organisasyon ng mga guro at may mahabang kasayasayan ng paglilingkod sa kanilang mga kapwa guro.

Aniya, sila ay kinikilala ng Civil Service Commission at Department of Education.

About hataw tabloid

Check Also

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *