Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

Binogang kelot arestado sa shabu

MALUBHA ang kalagayan sa pagamutan ng isang lalaking hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos barilin ng isang hindi kilalang suspek sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

Ginagamot sa Tondo Medical Center ( TMC) ang biktimang si Manuel Garcia Jr., alyas Jerman, 38-anyos, ng Market 3, Navotas Fish Port Complex (NFPC), Brgy. North Bay Boulevard North (NBBN) sanhi ng tama ng bala sa puwet.

Sa ulat  ni SPO2 Ernesto Ravanera Jr.,  may hawak ng kaso, dakong 3:40 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa gilid ng Flying V, Palengke St. NFPC, Brgy. NBBN.

Naglalakad  si Gacia sa naturang lugar nang mula sa kanyang likuran ay sumulpot ang suspek at walang sabi-sabing pinaputukan bago mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksiyon nang mapansin ang pagdating ng nagrerespondeng mga pulis.

Mabilis na isinugod nina PO3 Jacinto Gammad Jr. at PO2 Enrique Vergara ang biktima sa naturang pagamutan.

Nakuha sa biktima ang 10 plastic sachet na naglalaman ng hindi pa matukoy na halaga ng hinihinalang shabu at P2,269 cash.

Tinitingnan ng pulisya na may kinalaman sa ilegal na droga at personal na alitan ang insidente habang patuloy ang follow-up investigation sa posibleng pagkakakilanlan at ikaaaresto ng suspek.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 si Garcia sa piskalya ng Navotas City.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …