Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pauline Mendoza
Pauline Mendoza

Pauline Mendoza, blooming ang beauty dahil sa BeauteDerm

MASAYA ang Kapuso young actress si Pauline Mendoza sa nangyari sa kanyang showbiz career sa katatapos lang na 2018. Napapanood siya ngayon sa teleseryeng ‘Cain at Abel’ na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo.

Paano niya ide-describe ang 2018 at ano ang inaasahan niyang mangyayari sa kanyang career ngayong 2019?

Saad ni Pauline, “Well, 2018 is like a roller coaster ride, marami rin pumasok na problems, marami rin pumasok na positive, negative, halo-halo na, kaya nga sabi ko roller coaster ride po siya, pero masaya po. Nag-boom ang career ko lalo na noong pumasok ang Kambal Karibal. Tapos na-nominate rin po ako.”

Ano ang wishes niya para sa 2019? ”Siguro, ine-expect ko, sana magkaroon pa ng more projects.”

Nabanggit din ni Pau na may mangyayari sa karakter niya sa kanilang teleserye.

“May bago naman po roon e, magkaka-love interest ako, na mismong sa akin talaga. Iyong episode ngayon ay magkikita na kami ni Rafael, bale siya si Vince Vandorpe. Hindi kami nag-workshop, pero sa set na mismo, nag-uusap kami, may acting coach kami. Sinasabihan kami na kailangan naming mag-build ng relationship… kasi, first time kong makaka-work si Vince, so hindi ko siya talaga kilala exactly.”

May pampakilig din ba sila rito para sa fans? “Mayroon naman po, for sure mayroon iyan. Kasi, happy po kami sa set, sobrang happy. Masaya kami sa set, kami nila Tita Shyr (Valdez).”

Nabanggit din ni Pau na wala siyang love life, pero bakit blooming ang beauty niya ngayon? “Dahil po sa BeauteDerm! Very effective na product po ang BeauteDerm.” nakangiting saad niya. “Kaya sobrang grateful ako sa Beautederm. Sobrang nakatutuwa po, kasi ‘di ko naman inaasahang makakasama ako sa ganitong samahan nila, e. Kasi unexpected talaga, kung ‘di rin po talaga kay Tita Shyr at dahil kay Tita Rei Tan,” dagdag niya.

Ano ang masasabi niya sa lady boss ng BeauteDerm na si Ms. Rei? “Ay sobrang bait! Very generous po siya talaga.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …