Monday , November 25 2024
Mojack
Mojack

Mojack, may malasakit sa Reggae Music

SI Mojack Perez ay isang versatile na singer/comedian sa entertainment industry. Noon ay nangarap siyang maging stuntman sa pelikula, pero nagkrus ang landas nila ni Blakdyak and eventually ay naging impersonator/Kalokalike siya ng namayapang singer/comedian.  

Sa ngayon, ang aktres na si Ynez Vene­racion ang isa sa BFF ni Mojack na ma­dalas niyang naka­kasama sa iba’t ibang shows. ”Una kaming nag­kita ni Ynez ay sa Isabela, nag-basket­ball kami, sila ay show naman. At saka si Ynez, mabait po siya talaga, magaling siyang mag-show, magaling makisama, at talagang kasundo ko siya. Kaya siguro sa tingin ko ay click ang tandem namin,” wika ni Mojack.

Planorin ni Mojack na ibalik ang Reggae music sa bansa. Wala na kasi sina Papa Dom ng Tropical Depression at Blakdyak, na parehong kilala sa ganitong tipo ng musika na kinagigiliwan ng maraming Pinoy.

“Nag-start na po ang grupo kong Mojack with the Tribes Band sa mga tugtugan, out of town shows… Ngayon, abangan po nila ang mga ilalabas namin na kanta ng grupo na estilong Reggae novelty, na nawala sa industriya natin. Sana sa pamamagitan namin ay mabuhay natin ulit ito, kasi halos ang ating iniidolong mga Reggae master ng Filipinas gaya po ni Papa Dom at ni Blakdyak ay pumanaw na.

“Sana tulungan na lang din po nila ako, alam ko si Blakdyak ay nakagabay sa akin dahil dati ay hindi ako nagsusulat ng kanta. Pero ngayon ay marunong na ako, kaya nakabubuo na ako ng mga composition, salamat po sa kanya,” saad ni Mojack.

Bukod sa kaliwa’t kanang shows, si Mojack ay isang audience jester din sa ASAP, kaya nagpapasalamat siya sa mga staff nito at kay Eric Nicolas. “Every Sunday, nagji-jester po ako sa ASAP, salamat po sa tiwala ng buong staff ng ASAP at sa kuya-kuyahan kong si Kuya Eric Nicolas, salamat po sa kanyang tiwala. Sa totoo lang, madalas niya po akong tawagan, kaso nagko-conflict sa sched, kaya salamat talaga sa kanya at ‘di siya nagsasawa sa pagkontak sa akin.

“I love him so much, especially noong nag-start ako sa sing along bar, nakagabay na po siya sa akin, ‘till now, salamat kuya Eric. Salamat din po kay mam Winnie, Direk Alex at direk Rene ng ASAP, sila rin po ‘yung director namin sa The Voice Kids at pinagkatiwalaan din po nila ako dati ng V.O. (voice over) na ipakilala on television ang jurors na sina Ms. Lea Salonga, Bamboo, at Mega Star Ms. Sharon Cuneta noong pilot episode ng The Voice Kids Season 3. Kaya taos-puso po akong nagpapasalamat sa kanila sa tiwalang ibinigay nila sa akin.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Lala Sotto

Negros Occidental katuwang na ng MTRCB tungo sa Responsableng Panonood

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MATAGUMPAY na idinaos ng Movie and Television Review and Classification …

Arjo Atayde Maine Mendoza Topakk

Arjo itotodo ang lakas sa Topakk

RATED Rni Rommel Gonzales KUNG abalang-abala si Arjo Atayde bilang isang mahusay na aktor at masipag na …

Vilma Santos Aga Muhlach Uninvited

Aga personal choice ni Vilma, magsosolian ng kandila kung ‘di tinanggap

MA at PAni Rommel Placente SPEAKING of Vilma Santos, sinabi  ng  Star For All Seasons na hindi naging …

Nadine Lustre Vilma Santos Aga Muhlach

Nadine sa pakikipagtrabaho kina Vilma at Aga — An oppurtunity of a lifetime

MA at PAni Rommel Placente ISA si Nadine Lustre sa mga bida sa pelikulang Uninvited ng Mentorque Productions. Gumaganap siya rito …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Aktres naunahan ni choreographer kay matinee idol

ni Ed de Leon UMAMIN daw ang isang dating matinee idol na noong araw na nagsisimula pa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *