Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Homestay program hikayat ng Palasyo sa Eastern Samar

HINIKAYAT ng Palasyo ang mga residente sa Eastern Samar na ayusin at pagandahin ang kani­lang mga tahanan para palakasin ang tinatawag na homestay program.

Ito ay pagbubukas ng mga tahanan sa mga turista para kanilang matuluyan habang nasa probinsiya.

Sinabi ni Communi­cations Secretary Martin Andanar, wala kasing mga hotel sa Eastern Samar kaya karaniwan sa mga ganitong uri ng probinsiya na nagsisimula pa lamang makilala ng mga turista, ay residen­tial houses ang pansa­mantalang inuupahan ng mga bisita lalo ng mga dayuhan.

Ayon kay Andanar, sa ilalim ng programang homestay, ang mga may-ari ng bahay na gustong magpaupa ay nagpa­parehistro sa local govern­ment unit.

Kailangan maka­sunod sa itinatakdang requirements, halimbawa, dapat malinis ang buong bahay lalo na ang banyo, may sapat na suplay ng tubig at koryente, maayos ang ventilation at iba pa.

Karaniwan din suma­sailalim sa training ang may-ari ng bahay o caretaker kung paano tumanggap at umistema ng bisita. Madalas ay mga dayuhang turista ang kumakagat sa homestay program na gustong makaranas ng buhay sa probinsiya.

 (ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Estate Tax

Bagong Estate Tax bill ni Salceda suportado ng Cebu City Council

Suportado at isinusulong ng Cebu City Council (Sangguniang Panglungsod) ang House Bill No. 6553 ni …

SM SUSTEX Solar Panels

Solar Philippines company hindi nag-click sa bansa

ISINISI ng isang network ng digital advocates sa mga kapalpakan ng isang kompanyang pag-aari ng …

P43.4-M cocaine BoC NAIA

P43.4-M hinihinalang cocaine nasabat ng BoC sa NAIA-T3

NAKOMPISKA ng Bureau of Customs (BoC) ang hinihinalang cocaine na tinatayang P43 milyon ang halaga …

Amok na pasabero sugatan sa boga ng nagrespondeng airport police

BIINARIL ng mga pulis ang isang 54-anyos guwardiya nang manlaban sa inspeksiyon at tinangkang saksakin …

MPD MALATE COP SINIBAK SA PUWESTO 6 pulis sa robbery holdup

Sa pagkakasangkot ng 6 pulis sa robbery/holdup
MPD MALATE COP SINIBAK SA PUWESTO

ni Niño Aclan SINIBAK sa puwesto ang chief of police (COP) ng Manila Police District …