Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sipat Mat Vicencio

Fake ang Christmas ceasefire ng NPA

WALANG Pasko ang mga komunista. Walang ka­to­tohanang ipinagdiriwang nila ang ka­panganakan ni Hesu Kristo dahil wala silang Diyos at tanging si Jose Maria Sison lang ang kanilang sinasamba.

Isang uri ng propaganda ang pagdedeklara ng CPP ng unilateral ceasefire ngayong holiday season na ang tanging layunin ay umani ng simpatya at ipakita na kanilang inirerespeto at pinahahalagahan ang tradisyong nakagisnan ng bawat Filipino.

Hindi dapat pagkatiwalaan ang mga komunista sa kanilang pagdedeklara ng unilateral ceasefire.  Umasa tayong mas paiigtingin pa ng mga berdugong NPA ang ilulunsad na offensive attacks at sasamantalahin ang panahon ng pagdiriwang ng Kapaskuhan.

Higit na kapani-paniwala na ang layunin ng unilateral ceasefire ay dahil na rin sa nalalapit na 50th founding anniversary ng CPP sa Dis­yembre 26.

Asahang magiging masaya ang mga komunista sa kanilang pagdiriwang dahil tiyak na babaha ng alak, pagkain, at siyempre pa ang mga paulit-ulit na cultural presentation ng mga kabataang estudyante na galing pa sa mga kalunsuran.

At kung totoo ngang gugunitain ng mga Komunsita ang kanilang tinatawag na martyrs and heroes, sana naman ay gunitain din nila ang mahabang listahan ng mga tunay na ‘puwer­sa’ na ipinapatay at ipina-torture ni Joma.

Halimbawa na lang ay si Benny Clutario, isang UP student at political officer ng kilusang-lihim ng MLQU noong panahon ng Batas Militar.  Siya ay dinukot, ikinulong at tinortyur ng mga kampon ni Joma.

Si Benny aka Badjao, Troy ay kasalukuyang nasa UK, kasama ang kanyang pamilya.

Kaya nga, dapat talagang mag-ingat ang taongbayan at militar sa panahon ng Kapaskuhan dahil tiyak na mauulit lang ang mga gagawing pag-atake ng NPA.  Wala silang respeto sa pag­diriwang ng Pasko at higit na pinahahalagahan ang maisulong ang pinaniniwalang Digmaang Bayan.

Sana naman ay maging kritikal ang mga kasama, at talagang mag-isip at alamin kung paano pinatakbo ni Joma ang kilusang-lihim. Hindi ba’t pumalpak ang kanyang liderato? Bakit niya ipinapatay at tinortyur ang mga kasama, at bakit pinilit ang mga maling taktika lalo ang hindi angkop na ideolohiya.

Sa pagsapit ng Pasko, hayaan nating mai­pagdiwang ito ng ating mga kababayan kasabay ng pagbabantay ng mga militar para sa katahimikan.  Huwag nating hayaang masa­bo­tahe ng mga NPA ang panahon ng kapaskuhan.

Sabi nga ni Digong kay Joma: “Putang ina mo. Pakain ko sa ‘yo pustiso mo!”

SIPAT
ni Mat Vicencio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mat Vicencio

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperate move kina PBBM, ES Recto…pero bokya sa ebidensiya

AKSYON AGADni Almar Danguilan TIRANG personal – usong-usong ito sa away politika. Madalas nangyayari ang …

Firing Line Robert Roque

US funding cuts, dagok sa Filipinas

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA UMPISA ng taon, malinaw ang mensahe ni US …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …