Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

Negosyante, 7 pa tiklo sa sugal at shabu

SWAK sa kulungan ang walo katao, kabilang ang isang negosyante, makaraan madakip ng mga pulis sa ilegal na sugal at shabu sa Caloocan City.

Kinilala ni Caloocan Police Community Precinct 7 (PCP-7) head S/Insp. Jeraldson Rivera ang mga nadakip na sina John Paul Cu, 48; Jelly Lyn Timbol, 32; Renato Bajadam, 55, negosyante; Jun Nagusara, 44; Mario Bajada, 35; at Randel Artiga, 27-anyos, pawang residente sa nasabing lungsod.

Batay sa ulat, dakong 8:20 pm nang makatanggap ng tawag sa telepono ang mga tauhan ng PCP-7 mula sa isang concerned citizen at ini-report ang isang grupo na hinihinalang sangkot sa ilegal na aktibidad sa Magdalena St., Brgy. 163.

Agad nagresponde ang mga awtoridad  at mabilis na  naaktohan ang mga suspek na nagsusugal kaya inaresto

Nakompiska mula sa mga suspek ang isang set ng baraha, P660 bet money, ilang drug paraphernalia, nakabukas na plastic sachet na may bahid ng shabu, at anim pang transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Samantala, dakong 11:00 pm, nagsasagawa ng regular beat-patrol ang mga pulis sa BMBA Compd., Brgy. 120 nang mapansin nila ang mga naglalaro ng tong-its na nagresulta sa pagkaaresto kina Oscar Padilla, 35, at Jumie Bernardo, 32, habang nakatakas ang isang hindi kilalang kalaro nila.

Nakompiska sa mga suspek ang isang set ng baraha, P130 bet money, at tig-isang sachet ng hinihinalang shabu. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …