Sunday , April 27 2025

Babala ni Duterte: Sundalo at pulis ‘wag kumiling sa kandidato

MAHIGPIT ang bilin ni Pangulong Rodrigo Du­ter­te sa mga sundalo at pulis na huwag kumiling sinoman sa mga kan­di­dato para sa eleksiyon sa 2019.

Sinabi  ito ng pangulo sa kaniyang pagdalo sa pamamahagi ng inisyal na 500 housing units para sa mga sundalo at pulis sa San Miguel, Bulacan ka­ha­­pon.

Ayon sa pangulo, ini­endoso man niyang kandi­dato o hindi, hindi dapat mangampanya ang sino­mang pulis o sundalo para sa mga tatakbo sa eleksiyon.

Binalaan din ng pa­ngu­­lo ang mga sundalo at pulis kasama na ang mga kandidato at kanilang kampo, na huwag na hu­wag manakot ng mga botante.

Kapag may nabali­taan aniya siyang guma­wa nito, siya mismo ang makikipagtuos sa mga pulis, sundalo o kandi­datong nanakot sa mga botante, at siya ang mis­mong aaresto sa kanila.

Ayon sa pangulo, da­pat hayaan ang mga bo­tan­te na pumili kung sino ang gusto nilang iboto.

Samantala, iniutos ng Pangulo sa AFP at PNP na hanggang dalawang security escort lamang ang puwedeng mag-tan­dem at puwedeng umes­kort sa sinomang kan­didatong nanganga­ila­ngan nito.

Kapag sumobra aniya sa dalawa ang security, puwede nang arestohin at kompiskahan ng mga armas dahil ipinag­baba­wal ito ng batas, sapagkat lalabas na itong private armed group na.

Para sa mga kandi­dato na nangangamba  sa kanilang buhay kaya maraming mga security escort, huwag na lamang  aniya silang tumakbo kung takot silang mama­tay. Giit ng pangulo, hindi uubra na magkaroon ng sangkaterbang security escort dahil maituturing  itong private armed group, na malinaw na paglabag sa batas.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Comelec Money Batangas

P273-M ayuda ng Batangas ipinahinto ng Comelec

IPINAHINTO ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpapatupad ng iba’t ibang financial assistance na umaabot …

Vote Buying

Moreno, Versoza, 7 pa, pinagpapaliwanag ng Comelec sa ‘pagbili’ ng boto

SINITA ng Commission on Elections (Comelec) sina Manila mayoral candidates Francisco “Isko Moreno” Domagoso at …

Carlo Aguilar, nais magtatag ng local pension fund para sa Senior Citizens ng Las Piñas

Carlo Aguilar, nais magtatag ng local pension fund para sa Senior Citizens ng Las Piñas

IMINUMUNGKAHI ni Carlo Aguilar, kandidato sa pagka-alkalde ng Las Piñas City, ang paglikha ng isang …

Manny Pacquiao

Sa latest survey pabalik sa Senado
Pacquiao nangako, laban tuloy para sa mahihirap

DASMARIÑAS, CAVITE – Binasag ni Boxing legend at Senatorial bet Manny Pacquiao ang kanyang pananahimik …

Vote Buying

Isko Moreno, pinagpapaliwanag ng Comelec sa pagbili ng mga boto

SINITA ng Commission on Elections (Comelec) si mayoral bet Isko Moreno kaugnay ng vote-buying o …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *