Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Taas presyo sa 2019 asahan (Sa fuel excise tax)

NANGANGAMBA ang ilang grupo na magtaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin matapos ianunsiyo ng pamahalaan na itutuloy ang dagdag sa excise tax ng langis sa 2019.

Bahagi ang dagdag-buwis sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Act.

Ayon kay Philippine Amalgamated Super­markets Association president Steven Cua, ginagamitan ng tran­s-portasyon ang mga pangunahing bilihin tulad ng mga karne, gulay, at prutas kapag ipinadadala na ito sa mga pamilihan.

“For distributors, delivery, Christmas rush, traffic, difficulty in parking, and all those things na additional cost, incidental expenses ‘yan in delivering the goods to the super­markets,” aniya.

“For the fresh pro­duce ‘yun ang mata­tamaan, ‘yun malaki ang epekto noon… which supermarkets and markets also carry,” dagdag niya.

Hamon ni Cua, dapat ipakita ng pama­halaan na ginagamit ang buwis sa pagpapagawa ng impraestruktura.

Para kay United Filipi­no Consumers and Commuters president RJ Javellana, dagok ang ikalawang tranche ng excise tax sa mga kon­sumer dahil hindi pa sila nakababangon sa mga nagdaang taas-presyo.

Nanawagan din si Javellana na palitan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang economic managers.

Nitong Nobyembre, naitala ang pagbagal ng inflation, na nasa anim porsiyento mula 6.7 porsiyento noong Setyembre at Oktubre.

Nauna nang inia­nunsiyo na suspendido ang dagdag-buwis sa langis. Ngunit makaraan ang sunod-sunod na linggong rollback, na­pag­pasyahan ng go­byerno na ituloy ang muling pagpataw ng dagdag fuel excise tax.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …