Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Persida Acosta Keanna Reeves
Persida Acosta Keanna Reeves

Atty. Persida Acosta, hiningan ng tulong ni Keanna Reeves

SA Enero 2019 muling mapapanood ang magaling at matapang na Public Attorney’s Chief, Atty. Persida Acosta sa telebisyon kapag nagkasundo sila ng PTV4.

Hindi naman niya tinanggap ang alok ng ilan na tumakbong Senador dahil mas pinili pa rin niya ang tumulong.

“May offer sa akin ang PTV 4 pero hindi pa kami nagkakasundo sa term,” ani Atty. Acosta. “Kahit ten-minute segment sa news. Tapos ang DWIZ may offer din sa akin ng free time.”

Sa pakikipag-usap namin kay Atty. Acosta, napag-alaman din naming humingi sa kanya ng tulong si  Keanna Reeves ukol sa isinampang reklamo sa kanya kaugnay ng paglabag sa Anti-Cyber Bullying Law.

Aniya, magkikita sila ni Reeves para ikonsulta ang naturang problema.

Bukod dito, ibinalita rin niya ang ukol sa nangyayaring development sa mga batang namatay dahil sa dengvaxia.

Sa Christmas meet and greet ni Atty. Acosta sa entertainment press, ipinakita nito sa pamamagitan ng isang video presentation ang mga naging biktima ng dengvaxia. Naroon din ng tanghaling iyon ang mga magulang ng mga bata na humihingi pa rin ng hustisya.

“’Pag ako ang humawak ng kaso, ‘pag sa biktima, may kaso. ‘Pag sa accused, eh inosente. Kung may kasalanan, bahala ang PAO lawyers ko sa kanya,” sambit pa ni Atty. Persida.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Kim, napatili nang makipaglampungan kina Dennis at JC
Kim, napatili nang makipaglampungan kina Dennis at JC
Rainbow’s Sunset, inialay nina Herbert at Harlene sa mga magulang
Rainbow’s Sunset, inialay nina Herbert at Harlene sa mga magulang
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …