Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ramon Ramos Baby Go PC Goodheart Foundation
Ramon Ramos Baby Go PC Goodheart Foundation

Dr. Ramon Ramos, pinarangalan ng PC Goodheart Foundation

SA si Dr. Ramon Ramos sa pinarangalan sa nagdaang pagbibigay gawad ng PC Good­heart Foundation na pina­mumunuan ng businesswoman at lady boss ng BG Productions International na si Ms. Baby Go. ginawad kay Doc Ramon ang pagkilala bilang Most Out­standing Public Servant 2018 at siya ay nagpapasalamat sa na­tamong karangalan. Paha­yag ni Doc Ramon, “Ako naman ay nagpapasalamat kay Ms. Baby Go at sa PC Goodheart sapag­kat ang kanyang mga adbo­kasiya ay lagi kong pinu­puntahan, lalo sa medical services, kaya nan­doon ako lagi para sa mahihirap, tumu­tulong sa kanila. That is every year, so ito namang mga award ay utang ito sa ating mga kababayan at kagandahang loob ni Ms. Baby Go, na kan­yang pinaparangalan ang mga taong tumutulong sa kanyang mga adhikain.

Mayroon din ba siyang sariling advocacy? “Ako na­man, sa aming probinsiya sa Cavite, mayroon po akong mga tinutulungan din, iyan ay mga home for the aged, at mga orphanage. Under sa pamu­muno din ni Cardinal Tagle. Kung di po ninyo natata­nong, mag­pinsan po kami ni Cardinal, kaya roon po ako laging umaalalay sa mga pangkalusugan ng mata­tanda at mga bata,” sambit pa niya.

Last year ay nabigyan din siya ng pagkilala ng PC Goodheart bilang medical consultant naman. Ano ang core o layunin ng founda­tion? “Ang pinaka-core ng founda­tion na ito ay pag­tulong talaga sa kapwa. Hindi lang sa mahihirap, kundi roon din sa aspiring talents, tinutulungan ni Ms. Baby. Ito, nae-enocurage lahat na magsumikap sa buhay at magpursigi. Kaya nagus­tuhan ko itong adbo­kasiya ni Ms. Baby Go.

“Nakatataba ng puso ang award na tulad nito, pero sabi ko kay Baby noon, kahit last year, kahit sa mga PC Good­shepherd sisters kay Cardinal Tagle, ako po ay sinasabi ko, ‘di ko kailangang bigyan ng award. Tumutulong po ako… gusto ko lang po nasa side lang ako. Marami po akong tinutul­ungan, mga charities na dine-decline ko po ‘yung award and masasabi ko na parang bonus na lang po ang award,” naka­ngiting saad ni Doc. Ramon.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

BeauteDerm CEO na si Rhea Tan, sunod-sunod ang blessings

BeauteDerm CEO na si Rhea Tan, sunod-sunod ang blessings

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …