Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

7 Las Piñas cops sumuko (Sa hulidap at extortion)

SUMUKO ang pitong pulis nitong Huwebes sa Las Piñas City, na umano’y nangikil noong naka­raang linggo sa kaanak ng isang drug suspect.

Isinailalim ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa restrictive custody sina PO3 Joel Lupig, PO2 Vener Guanlao PO2 Jayson Arellano, at PO1 Raymart Gomez, PO1 Ericson Rivera, PO1 Mark Fulgencio at PO1 Jeffrey de Leon, habang nahaharap sa mga kasong kriminal at administratibo.

Sinabing nangikil ang pito ng P200,000 mula kay alyas Vinet kapalit ng kalayaan ng kapatid nitong si alyas Vic.

Napag-alaman hinuli at ginulpi umano ng mga pulis noong 20 Nobyembre si Vic dahil sa pagbebenta ng isang kilo ng marijuana.

Dahil sa insidente, sinibak ng NCRPO ang hepe ng Las Piñas police at 36 iba pang miyembro ng drug enforcement unit.

Hinikayat ni NCRPO chief, Director General Guillermo Eleazar ang sino mang naging biktima ng pang-aabuso ng mga pulis sa Me­tro Manila, na mag­sumbong sa kanila para maak­siyonan.

Bahagi ito ng internal cleansing program ng Philip­pine National Police, ani Elea­zar.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …