Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Junar Labrador, mapapanood sa trilogy movie sa episode na Gun Raid

MULING mapapanood sa pelikula si Junar Labrador, this time sa isang trilogy. Ito’y mula sa Trilogy Films, a VNS Pro­duction Presentation na sinulat at pinamahalaan ni Vic Tiro.

Kuwento ni Junar, “Ito’y tatlong kuwento sa isang one full length film. First episode ay ‘yung Gun Raid an action-drama starring Jonan Aguilar, Vanessa Jane Rubio, Arkin Raymund Da Silva, at ako. Sa second episode: Ama Ko Nanay Ko, a heart warming drama starring Maegan Aguilar, Chelsea Derla, Joey Egana, Joe Calderon. At ‘yung Hiyaw, a horror suspense episode starring Mark Anthony Tulipat, Kuya Bata, Desiree Villar, Joey Egana.”

Lahat ng episodes ay kasali ang kids ng VNS Production under Jane Rubio of Gen. Trias Cavite. Sila ay produkto ng VNS acting workshop. Saad ni Junar, “Ang dalawa sa casts ay children of Freddie Aguilar, Maegan and Jonan Aguilar. The rest are mostly ay theater and indie film at televesion actors sila.”

Ano ang role niya rito? “Doon ako mapapanood sa Gun Raid… bale good cop din ang role ko rito. Iyong sa aming episode, action kasama si Jonan. Sa part ng movie namin, expect na ma-action ito, dahil expert diyan si direk Vic. Parang follow-up ito sa role ko na pulis sa Batas ng mga Batang Lansangan. And dito, first time nila makikita umarte si Jonan na isa ring musician. Target showing ng movie is this November, pero depende sa producers at kay direk.”

Bukod sa pelikula at pagi­ging architect, aktibo rin si Junar sa paggawa ng com­mercials. “Ang first commercial ko is ‘yung Christmas Station ID ng GMA, then sumunod e sa Alaska, then print ad po for MyRemit, tapos po AP Cargo, Steel Asia na alam ko ipina­palabas pa hanggang ngayon. Tapos po, ‘yung latest po ngayon ‘yung sa St. Peter Life Plans.

“Mayroon pa po akong billboard ad for White Cross Orphanage. At mayroon pa po ako na ‘di pa lumalabas, ‘di pa po puwedeng sabihin, isa siyang pharma brand,” sambit ni Junar.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Manager ng Clique V na si Len Carillo, desmayado kay Rocky Rivero

Manager ng Clique V na si Len Carillo, desmayado kay Rocky Rivero

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …