Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jermae Yape Sarah Geronimo Ogie Diaz
Jermae Yape Sarah Geronimo Ogie Diaz

Estudyante ni Ogie Diaz, nag-ala Sarah Geronimo

PASLIT pa lang si Jermae Yape ay hilig na niya ang kumanta at sumayaw. Kaya naman hindi niya ine-expect na aabot hang­gang sa pag­lulunsad niya ng single na Summer ang pagkanta-kanta niya.

“Sobrang blessing na nakapag-produce ako ng sariling kanta. Gustong-gusto ko itong ‘Summer’ kaya naman thankful din ako,” masayang kuwento ni Jermae na collaboration nila itong Summersingle ni Jheorge Normandia.

Kuwento ni Jermae na estudyante pala sa acting work­shop ni O­gie Diaz,  nga­yon lamang niya inumpisahang magsulat ng kanta at na-enjoy naman niya. Kaya ‘wag tayong masorpreso kung agad masundan ang Summer single niya.

Hindi naranasan ni Jermae ang sumali sa mga singing contest, bagkus beauty contest sa mga school ang nagagawa niya. At dahil na-enjoy niya ang pagkanta, handa siyang pagsabayin ito at ang pag-aaral sa De La Salle Dasmarinas.

“Ito po kasi ang gusto kong gawin. Ito ang mahal kong gawin (pagkanta),” giit ng 16 na taong gulang na nagmomodelo rin.

Suportado naman si Jermae ng kanyang mga gulang. ”Proud po sila sa akin. At sobrang suportado nila ako kaya thankful ako sa kanila.

Ang Summer ay ukol sa, something special to happen”Parang you’re waiting for tadhana to give you that big break. Parang ako po, hinihintay ko pong mangyari ang big break at ito na ‘yung break na tinutukoy ko.”

Ito ang naging inspirasyon niya sa paggawa ng Summer kaya naman sobrang connected siya sa kantang ito.

Idol niya sina Jayda Avanzado at KZ Tandingan pero sa nakita naming pagkanta at pagsayaw niya nang iparinig ang Summer single, nag-aala Sarah Geronimo ang dalaga.

“Flattered po ako at may nakapagsabi na nga po niyan sa akin,” tugon pa ng dalaga.

Availabe na at puwede nang i-download ang Summer ni Jermae in digital format.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Paolo Contis, pantapat kay John Lloyd

Paolo Contis, pantapat kay John Lloyd

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …