Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Apela ng consumer groups: P8 PASAHE IBALIK (Presyo ng bilihin ibaba)

NANAWAGAN ang ilang grupo na ibaba ang pasahe at presyo ng mga bilihin kasunod nang pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo sa ikalimang sunod-sunod na ling­go. 

Naghain nitong Lunes ang United Filipino Con­su­mers and Commuters (UFCC) sa Land Tran­s-portation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng petisyong ibalik sa P8 ang pasahe sa jeep dahil sa patuloy na pagbaba ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

“Nais po naming iba­lik sa P8… alam naman po natin na bumubuti na po ang kalagayan sa pandaigdigang pamilihan ng petrolyo,” ayon kay UFCC president RJ Ja­vel­lana nitong Martes.

Sa ilalim ng petisyon, ikinatuwiran ng grupo ang pagsuspende sa na­ka­takdang dagdag-bu­wis sa langis sa ilalim ng Tax Reform for Accele­ration and Inclusion (TRAIN) Law, at ang pahayag ng Transpor­tation department na huwag munang ituloy ang fare hike, bilang mga dahilan para sa bawas-pasahe.

Ayon kay Laban Konsyumer president Vic Dimagiba, dapat puwer­sahin ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga negosyante na bawasan ang presyo ng kanilang mga produkto kasunod ng rollback.

Batay sa kaniyang tantiya, nasa 10 hang­gang 13 porsiyento ang natitipid ng mga nego­s-yan­te sa delivery ng ka­nilang mga produkto nang magsimula ang mga bawas sa presyo ng la­ngis.

Sabay-sabay nagta­pyas ang mga kompanya ng langis ng presyo sa kanilang produktong pe­trolyo, katulad ng P2.30 kada litro sa gasolina, P2 kada litro sa diesel, at P1.85 kada litro sa kero­sene, nitong Martes.

Ito na ang pinaka­malaking halaga ng ba­was sa presyo ng pro­duk­tong petrolyo sa loob ng limang linggo.

Habang nagpatupad ang mga kompanyang Phoenix Petroleum at PetroGazz ng P2.50 kada litrong bawas sa presyo ng kanilang gasolina, at bawas na P2 kada litro sa diesel.

Ngunit kontra ang Federation of Jeepney Ope­rators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) sa hirit ng tapyas-pasahe.

Paliwanag ni FEJODAP president Zeny Maranan, matagal na ang hirit nilang dagdag-pasa­he ngunit ngayon lang napagbigyan.

Dagdag niya, may mga tsuper pa ring hindi pa nakikinabang sa dag­dag-pasahe dahil hindi pa sila nakakukuha ng fare matrix.

Ngunit kung ibabalik aniya sa P39 per liter ang presyo ng krudo, doon na magiging bukas ang kani­yang hanay sa hirit na fare rollback.

Mula nitong Martes, naglalaro sa P7.70 hang­gang P7.80 ang halaga ng tinatapyas sa presyo ng gasolina, P5.05 kada litro hanggang P5.15 kada litro sa diesel, at P4.25 kada litro sa kerosene.

Sinabi ni LTFRB Board Member Aileen Lizada, prayoridad nila ang petisyon ng UFCC dahil 45 milyong com­muter ang apektado ng fare hike.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …