PINASOK na rin ng sikat na radio anchor ng DZBB 594 via programang Walang Siyesta na napaKIkinggan tuwing Lunes hanggang Biyernes, 2:30 to 3:30 p.m. at Ladies Room, tuwing Sabado, 11:00 to 12 noon na si James “Tootie” Aban ang pagnenegosyo.
Bukod sa kanyang naunang milk tea business (Tootea Yan ang Tea) sa Roxas Isabela noong Sept. 10, binuksan naman nito ang kanyang second branch sa Centro 6, Tuguegarao City katuwang ang kanyang partner for 13 years na si Mr. Yan Yan Reyes.
Tsika ni Tootie, ”Milk Tea ‘yung pinasok naming business kasi pareho kami ni Yan Yan na mahilig mag Milk Tea and ‘yun ‘yung wala sa amin sa Isabela at sa Tuguegarao.”
At bago nga nagbukas ng kanilang business sina Tootie at Yan Yan ay nag-undergo sila ng training dito sa Pilipinas at sa Hongkong para siguradong masarap ang Milk Tea na kanilang i-ooffer sa kanilang mga costumers.
MATABIL
ni John Fontanilla