Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cargel Carlo Aquino Angelica Panganiban
Cargel Carlo Aquino Angelica Panganiban

CarGel, nagbibigay-‘kulay’ sa isa’t isa

SWEET company” ang caption ni Jose Li­wa­nag o mas kilala bilang si Carlo Aquino sa litrato nila ni Angelica Panganiban na naka-costume sila ng kulay pula habang nasa MRT sa Tokyo, Japan na naroon sila simula pa nitong Undas.

Kaarawan ni Angelica nitong Nobyemre 4, Linggo at bukod sa mga kaibigan ng aktres ay kasama rin niya ang kanyang Exes Baggage leading man.

May video post ang aktor na nasa teamLab Planets Tokyo sila habang nagpapalit-palit ng kulay at ang caption niya, “Bigyang kulay ang buhay #Meow.” Umabot naman sa 82,708 likes ang nasabing video at ang 2,030 comments ay sinasabing ‘sana sila na ulit, love love love at habang buhay teaser na lang ba’ ang ilan.

Grabe lahat ng taga-showbiz ke ka-close o hindi ng CarGel ay gustong-gustong magkabalikan sila kaya ano pa nga ba ang hinihintay ninyo Angel at Carlo?

Hayan dahil sa lakas ng CarGel ay gusto ng supporters nilang ma-extend ang karakter ni Carlo sa seryeng PlayHouse dahil kinikilig sila sa dalawa kapag sila na ang magka-eksena.

Excuse me lang po sa loyal supporters, si Zanjoe Marudo ang leading man ni Angelica sa PlayHouse at hayaan na lang nating sa pelikula magsama ang CarGel o sana nga sa totoong buhay na.

Kung bakit naman kasi umaayon naman ang kuwentong umeere ngayon sa PlayHouse na tuluyan nang maghihiwalay sina Marlon (Zanjoe) at Patty (Angelica).  Hayan nagkaroon tuloy ng pagkakataong makapasok si Carlo as Harold.

Pero dahil nabalitaan na ni Marlon na buntis si Patty na asawa niya ay baka iurong na nila ang annulment.

Kaya hindi rin magkakatuluyan sa PlayHouse ang CarGel dahil buntis si Patty at si Marlon ang ama.

Anyway, may nagtanong sa amin kung may follow-up movie sina Carlo at Angelica.  Ang alam namin ay si JM De Guzman ang makakasama ng aktres sa susunod nitong pelikula na follow-up ng That Thing Called Tadhana.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …