Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Beteranong reporter patay sa ‘saksak’ ng 15-pulgadang itak (Sa Albay)

PATAY ang isang beteranong mama­mahayag makaraan pagsasaksakin sa bayan ng Daraga, Albay, nitong Linggo.

Ayon sa isang testigo, nakita niyang papalabas ng basketball court ang biktimang si Celso Amo na may saksak sa likod.

Ngunit hinabol ng suspek at muling inun­da­­yan ng saksak ang biktima.

Mabilis na nagres­pon­de ang mga pulis na ilang metro lang ang layo ng istasyon sa baskeball court, at nadakip ang suspek.

Isang bolo na may habang 15 pulgada ang ginamit ng suspek.

Hindi muna nagbigay ng pahayag ang pamilya ni Amo, na nagsilbing correspondent ng Philippine Star sa loob ng 21 taon.

Ayon sa pulisya, sinabi ng suspek na tila pinagkakaisahan siya ni Amo at ng mga kalaro ng biktima.

Samantala, sinabi ng pamilya ng suspek na may diperensya sa pag-iisip ang kanilang kapatid makaraan mamatay ang kanilang ina.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Estate Tax

Bagong Estate Tax bill ni Salceda suportado ng Cebu City Council

Suportado at isinusulong ng Cebu City Council (Sangguniang Panglungsod) ang House Bill No. 6553 ni …

SM SUSTEX Solar Panels

Solar Philippines company hindi nag-click sa bansa

ISINISI ng isang network ng digital advocates sa mga kapalpakan ng isang kompanyang pag-aari ng …

P43.4-M cocaine BoC NAIA

P43.4-M hinihinalang cocaine nasabat ng BoC sa NAIA-T3

NAKOMPISKA ng Bureau of Customs (BoC) ang hinihinalang cocaine na tinatayang P43 milyon ang halaga …

Amok na pasabero sugatan sa boga ng nagrespondeng airport police

BIINARIL ng mga pulis ang isang 54-anyos guwardiya nang manlaban sa inspeksiyon at tinangkang saksakin …

MPD MALATE COP SINIBAK SA PUWESTO 6 pulis sa robbery holdup

Sa pagkakasangkot ng 6 pulis sa robbery/holdup
MPD MALATE COP SINIBAK SA PUWESTO

ni Niño Aclan SINIBAK sa puwesto ang chief of police (COP) ng Manila Police District …