Monday , December 23 2024

Dagdag-sahod, benepisyo sa Comelec employees (Isinusulong ni Sotto)

ISINULONG ni Senate President Vicente Tito Sotto III ang pagtataas ng sahod at benepisyo sa mga kawani ng Commission on Elec­tions.

Ayon kay Sotto, ilang dekada nang hinihiling ng unyon ng mga kawani ng Come­lec ang patas na sa­hod sa kanilang trabaho na aniya’y panahon na upang maibigay sa kanila.

Dahil dito, inihain ni Sotto ang Senate Bill 2082 noong 23 Oktubre upang maisa­katuparan ang matagal nang kahilingan ng mga kawani ng naturang ahensiya.

Ito ay upang maiwasan umano ng mga empleyado na masangkot sa mga kati­walian lalo na’t nalalapit ang halalan.

Sa ilalim ng nasabing panukala, makatatanggap ng P5,000 dagdag-sahod at iba pang benepisyo ang mga kawani ng Comelec sa buong bansa.

Mayroon na ring counter­part ang naturang panukala sa mababang ka­pulungan ng Kongreso, na inihain nina House Speaker Gloria Macapagal Arroyo, Representatives Gary Alejano, Francisco Datol at Feliciano Belmonte Jr.

Bukod dito, naglalayon din ang Senate bill ni Sotto na i-institute ang regional at provincial offices at hatiin ang National Capital Region (NCR) sa limang admi­nistrative districts.

(CYNTHIA MARTIN)

About Cynthia Martin

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *