Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Halloween Riyadh Saudi Arabia
Halloween Riyadh Saudi Arabia

19 Pinay arestado sa Halloween party (Sa Riyadh, Saudi Arabia)

RIYADH, Saudi Arabia – Inaresto at ikinulong ang 19 Filipina sa Ri­yadh dahil sa kanilang pagdalo sa Halloween party.

Ipinagbabawal sa Saudi Arabia ang mga pagtitipon sa publiko na may kaugnayan sa non-Islamic events at pagha­halo ng mga babae at lalaki.

“So far, alam namin ay resulta po ito ng isang reklamo ng mga resi­dente sa Al Thumama na parang tila may acti­vity po roon na gina­ganap na medyo past midnight na,” paliwa­nag ni Consul General Christopher Patrick Aro.

Inireklamo umano ng mga residente ang pagtitipon sa lugar na dinaluhan ng mga Fili­pina, dahil sa sob­rang ingay.

Pinasok sila ng secu­rity forces at dinala sa presinto ang organizers ng event pati ang mga dumalo rito.

Marami mang naging pagbabago sa kasalu­ku­yan sa Saudi Arabia ay may mga batas pa rin dapat sundin, kaya pina­pa­alalahanan ng emba­hada na huwag gumawa o dumalo sa pagtitipon na walang permit o pa­hin­tulot mula Saudi government.

“Al Thumama police ang nag-conduct po ng raid at mukhang ini-refer na po nila sa intelligence police doon po sa may Exit 5 base po ito sa mga nakausap na po namin. ‘Yung detalye po ng kaso medyo pinag-aaralan pa po,” ani Aro.

“Tututukan ng em­ba­­hada ang kalagayan ng mga kababayan para rin masigurado kung ilan ang bilang ng mga Filipina na sa kasa­lu­kuyan daw ay nasa Al Nisah Jail,” dag­dag ni Aro.

Paalala ni Aro, ma­ging maingat sa mga selebrasyon at pagti­tipon lalo sa papalapit na pag­di­­riwang ng Pasko.

“Lalo na po at na­lalapit na po ang holiday season sa atin, ang pag-observe ng Pasko sa atin ay isa rin po ‘yan na kailangan medyo dapat bantayan dito sa Saudi ‘di po dapat sa publiko po natin ginagawa ‘yan,” aniya.

Naghihintay ng of­ficial statement ang Philippine Embassy mu­la sa ministry at kung ano ang mga posibleng ikakaso sa mga luma­bag.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …