Tuesday , May 6 2025
Sipat Mat Vicencio

Si Mar lang ang makalulusot

SA walong pinangalanang tatakbong senador ng Liberal Party sa ilalim ng tinatawag na ‘Oposisyon Koalisyon,’ tanging si Senador Mar Roxas lamang ang maaaring makalusot sa darating na May 13, 2019 midterm elections.

Ang pitong kandidato na makakasama ni Mar ay masasabing walang kapana-panalo, at pag-aak­saya lamang ng pera at panahon ang gina­gawa nilang pagpasok sa halalan. Tulad nang sinasabi ng marami, ‘masikip’ ang 2019 midterm elections para sa mga tumatakbong senador, at ang Magic 12 ay halos nakalaan na sa mga reelectionists at mga nais magbalik-Senado.

Kumbaga sa karera ng kabayo, grupong bu­lok ang pitong kandidatong senador ng Opo­sisyon Koalisyon at tiyak na maiiwan sila sa starting gate kapag lumarga na ang senatorial race sa mismong campaign period na mag­sisimula sa Pebrero.

Narito ang pitong bulok na senatorial candidates ni dating Pangulong Noynoy Aquino ng Oposisyon Koalisyon: Atty. Chel Diokno, dating congressman Erin Tañada, Sen. Bam Aquino, Rep. Garry Alejano, former Solicitor General Florin Hilbay, Atty. Romulo Macalintal at Samira Gutoc-Tomawis.

Kung kikilatising mabuti, tanging si Mar ang kandidatong may binatbat sa grupong ito dahil bukod sa mahaba niyang karanasan bilang mambabatas, naging kalihim din siya ng DILG, DOTC at DTI.

Kompara naman kina Chel, Erin at Bam, wala silang tanging maipagmamalaki kundi ang kanilang mga apelyidong Diokno, Tañada at Aquino. Nakahihiya dahil hanggang ngayon ay gamit na gamit nila ang galing at kabayanihan ng namayapa nilang mga magulang.

Dapat ay gumawa sila ng sarili nilang pangalan at hindi mangunyapit na lang sa alaala ng kani-kanilang mga amang sina Jose Diokno, Lorenzo Tañada at Ninoy Aquino. Hoy Bam! pamangkin ka lang pero kung gamitin mo si Ninoy, wagas na wagas!

Sa nalalabing kandidato ng Oposisyon Koalisyon, sina Alejano, Hilbay, Gutoc-Tomawis at Macalintal ay siguradong sa ‘basurahan’ talaga ang kababagsakan pagdating ng halalan. Kahit na magsisisirko pa sila sa entablado walang papansin at boboto sa kanila.

Kaya nga, si Mar lang ang natitirang pambato ng Oposisyon Koalisyon.  Sabihin pang anak siya ng haciendero, mayaman, ilustrado, edukado, magaling sa Ingles, coño at kung ano-ano pang mga pangungutya, si Mar ang makalulusot sa darating na halalan.

Hindi na kailangan pang magpakahirap si Mar sa panahon ng campaign period. In the bag na ‘ika nga si Mar dahil nakatatak na siya sa kama­layan ng bawat Filipino.  Si Mar na kahit pinan­dirihan ay pinilit na maging malapit sa taong-bayan.

Oo, si Mar, na kahit hirap na hirap sa kanyang ginawang pagtatrapik, pagbubuhat ng sako-sakong bigas at pagsemplang sa motor, si Mar ay naririyan at kasama pa rin natin.

Sey mo Koring?

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Dragon Lady Amor Virata

Fake news requirement na National ID para sa pagboto, ayon sa Comelec

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SABI ng Commission on Elections (COMELEC), ‘wag maniniwala sa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit pipi ang PDP sa isyu ng West Philippine Sea?

AKSYON AGADni Almar Danguilan BUKOD sa trabaho, food security, at kalusugan, isang pangunahing election issue …

Sipat Mat Vicencio

Nelson Ty kay Isko: Yes, let’s make Manila great again!
“TAGUMPAY NI ISKO, PANALO NG MAYNILA!”

SIPATni Mat Vicencio ITO ang pahayag ni dating Barangay Chairman Nelson Ty, tumatakbong konsehal ng …

Firing Line Robert Roque

Makaka-jackpot ba uli ang mga Pineda?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. TULAD ng nangyari na sa Pasig City, pinatunayan ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Imee, Camille, laglag sa endorsement ni Digong

AKSYON AGADni Almar Danguilan TABLADO kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sina senatorial candidates Senator Imee …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *