SINIBAK ni Pangulong Rodrigo Duterte si Bureau of Customs (BoC) Commissioner Isidro Lapeña at itinalaga si Maritime Industry Authority (MARINA) administrator Rey Leonardo Guerrero bilang bagong pinuno ng ahensiya.
Pinatalsik sa Custons ngunit hinirang si Lapeña bilang bagong director general ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Si TESDA chief Guiling Mamodiong ay naghain ng kandidatura sa pagka-gobernador ng Lanao del Norte.
Sinibak ni Duterte ang lahat ng hepe ng departament at section sa BoC at inutusan si Guerrero na maglagay ng sariling mga tauhan.
ni ROSE NOVENARIO
Lapeña umaming nalusutan ng P6.8-B shabu (Sa Technical examination ng DPWH sa 4 magnetic lifters)
Hepe ng Dangerous Drugs panel sumuporta kay Mangaoang