ILIGAN CITY – Sinampahan ng kasong hoarding ang isang negosyanteng Filipino at apat Chinese nationals na nahuling nag-iimbak nang higit 20,000 sako ng bigas sa lungsod.
Sinampahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang Filipino na si Sonia Payan at sina Lu Zi Yong, Yang Jianzhu, Johnny Tan, at Raul Chenfoo, pawang Chines nationals ng kasong paglabag sa Price Act.
Muling ipatatawag ng National Food Authority ang mga sangkot sa pag-iimbak ng bigas para sa isa pang pagkakataong makapagpresenta ng kanilang mga dokumentong magpapatunay na legal ang kanilang negosyo. Itinakda sa 29 Oktubre ang pagdinig, ayon kay NFA manager Sambitory Dimaporo.
Inaalam din ng Bureau of Customs kung tunay ang ipinakitang dokumento ng suspek na si Tan, na napanalunan niya sa auction ang suplay ng bigas mula sa BoC-Zamboanga.
Patunay raw ito na kabilang ang mga bigas sa nawawalang suplay mula sa warehouse ng Zamboanga. Ngunit ayon sa Customs, hindi nag-auction ng bigas ang kanilang ahensiya.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com