Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

P2.88-M ‘kulangot’ sa illegal terminal operator

KUNG totoo ang narinig nating kuwentahan ng ‘bata’ ng isang illegal terminal operator sa Maynila na ang hatag nila ay tig-P10,000 hanggang P250,000 kada linggo, ibig sabihin ‘sumasalok’ sila nang milyon-milyong kuwarta sa kanilang ilegal na gawain.

Huwag na nating lakihan, gawin na lang nating eksampol ‘yung P10,000 kada linggo.

‘Yung P10,000 x 4 weeks x 12 months x 6 years = P2,880,000.

Wattafak!

Milyon-milyones pala talaga ‘yan. Isa lang ‘yan ha? E ilan ang naha­hatagan? At pinakamababa ‘yang P10,000 kada linggo. Mayroong P25,000. Mayroong 50,000, P100,000 hanggang P250,000 nga.

Bakit anim na taon?

“E kasi, depende ‘yan sa term ng nakaupong mayor,” amin ng naghahatag.

Swak!

Ganoon pala ‘yun.

Kaya naman pala, ganoon na lang ang panggagalaiti ng operator ng isang malaking illegal terminal sa Maynila kapag nabubusisi ang kanilang raket!

No wonder din kung bakit kailangan mag-alaga ng goons para maging bodyguard.

At kapag may asunto, gumagapang din ang kuwarta ng illegal terminal operator lalo na kapag na-dismiss ang kaso.

Sukdulang areglohin pati bossing ng piskalya — ‘yan ang ipinangangalandakan nila.

Hindi na tayo nagtataka kung bakit huminto ang operation ng Metropolitan Manila Develop­ment Authority (MMDA) laban sa pinakama­laking illegal terminal sa Maynila.

At ang mismong PCP sa lugar nito ay pakuya-kuyakoy kahit nagkalat maging ang kolorum na mga sasakyan at illegal vendors.

‘Millions’ is the name of the game.

Dahil eleksiyon ngayon, tiyak na tumotosgas din ang operator ng pinakamalaking illegal terminal sa Maynila. Malamang lahat tinayaan.

Puwedeng alam ng mga kandidato ‘yan. Puwede namang ‘yung mga ‘bagman’ lang nila ang nakaaalam. Puwede rin namang sa ‘bag­man’ na lang nakaaabot ‘yan.

Kaya pagkatapos ng eleksiyon, may nata­talong kandidato pero panalong-panalo ang ‘bagman.’

‘Yan ang sinasabing dahilan kung bakit maraming ‘padrino’ ang operator ng malaking illegal terminal sa Maynila.

Alam niya kung sino ang ‘anay’ na puwede niyang hatagan para lumikha ng bukbok na unti-unting sisira sa imahen ng isang ‘bossing’ sa isang ahensiya ng pamahalaan — lokal man o nasyonal.

Ganyan kalalim ang nararating ng kinikitang milyones ng operator ng pinakamalaking illegal terminal sa Maynila.

Kaya ‘yung kuwentadang P2.88 milyones, kulangot na kulangot ‘yan na puwedeng naibul­sa pa ng utusang tagahatag.

Ngayon, magtataka pa ba kayo kung bakit hindi mawalis-walis ang pinakamalaking illegal terminal sa Maynila?!

Tiyak na may mawawalan ng ligaya sa buhay!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *