Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

P10 pasahe sa jeepney tuloy na sa Nobyembre

Hataw Frontpage P10 pasahe sa jeepney tuloy na sa Nobyembre
Hataw Frontpage P10 pasahe sa jeepney tuloy na sa Nobyembre

INAPROBAHAN ng Land Transpor­tation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang P2 dagdag sa minimum na pasahe sa mga jeep.

Sa desisyong inilabas nitong Miyerkoles, pu­ma­yag ang LTFRB sa hiling ng transport groups na taasan ang minimum na pasahe sa mga jeep.

Mula P8, perma­nen­teng itataas sa P10 ang minimum na pasahe.

Magiging epektibo ang desisyon, 15 araw makaraan ilathala sa mga pahayagan kaya magsi­simula ang pagpapa­tupad sa bagong mini­mum na pasahe sa No­byem­bre.

Pumirma sa desisyon sina LTFRB chairman Martin Delgra at Board Member Ronaldo Cor­pus.

Lumagda rin si Board Member Aileen Lizada ngunit upang ihayag niya ang kaniyang dissent o pagtutol.

Magugunitang noong Hulyo ay inaprobahan ng LTFRB ang P1 pro­visional increase o pan­saman­talang dagdag sa mini­mum na pasahe. Dahil doon, pansaman­talang naging P9 ang minimum na pasahe sa jeep.

Ngunit dahil sa ba­gong desisyon ng LTFRB, wala nang bisa ang pro­visional increase, kaya imbes P11, P10 ang minimum na pasahe.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …