Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bernard Cloma
Bernard Cloma

Bernard Cloma, may impostor?

KAMAKAILAN ay ibinalandra ng aming kaibigan sa FB ang mga litratong kuha sa isang birthday celebration na idinaraos sa isang marangyang hotel sa Metro Manila.

Kung hindi kami nagkakamali, ang may-edad nang lady celebrator ay kamag-anak ng Hashtag member na si Ronnie Alonte.

Nasa pictures sina Vice Ganda, Billy Crawford, Jed Madela, at Alden Richards. Tipong pansamantalang “nag-unite” ang mga celebrity attendees nito mula sa magkalabang TV network sa bansa.

Pero hindi roon kami naaliw.

Mayroon kasing isa pang attendee roon—si Bernard Cloma—na todo-pose sa mga larawan. Walang hindi nakakakilala kay Bernard sa sirkulo ng showbiz.

He’s everywhere kasi. Bukod dito’y hindi puwedeng isnabin kung sino-sino lang naman ang mga taong dinidikitan niya, mga rich and famous lang naman.

Jet setter o well-traveled din si Bernard, base na rin sa mga picture kung saan nakakasama’t nakakaniig niya ang mga hindi basta-bastang celebrities in places na sa panaginip mo lang yata mararating.

Marami rin, however, ang nagtataas ng kilay kay Bernard. Biggest social climber nga ang bansag sa kanya but he couldn’t care less.

Binasag kasi ni Bernard ang realidad ng pagkaka-belong niya sa isang mundong may puwang din pala sa mga tulad niya.

Hindi showbiz reporter si Bernard. Hindi PR person. Hindi TV or movie director o scriptwriter. At lalong hindi artista o celebrity endorser ng anumang produkto.

Pero visible siya sa lahat ng mga high-end na pagtitipon. Pero maloka tayo kung present si Bernard sa dalawang magkasabay na showbiz gathering, sino kaya roon ang impostor? At may gusto bang maging siya in the first place?

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III


Twin victory sa 2 prestihiyosong international beauty pageant, posible
Twin victory sa 2 prestihiyosong international beauty pageant, posible
Rosanna, wala ng keber kung ‘di na seksi
Rosanna, wala ng keber kung ‘di na seksi
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …