Thursday , December 26 2024

Privacy ingatan

HINDI maitatanggi na malaki ang maitutulong at magiging bahagi ng Philippine Identification System Act na pinirmahan na ni President Duterte sa pang-araw-araw na buhay ng bawat Filipino.
Nakasanayan na ng maraming Pinoy na magdala ng wallet na saksakan nang kapal dahil naglalaman ng iba’t ibang klase ng ID na tulad ng Pag-IBIG, Social Security System (SSS), Government Service Insurance System (GSIS), Philhealth at marami pang iba para magamit sa kanilang transaksiyon sa araw-araw.
Pero magwawakas na umano ito sa sandaling umarangkada na ang national ID system. Bukod dito ay mapadadali pa raw ang ating mga transaksiyon sa mga pribado at pampublikong tanggapan habang gamit ang naturang ID.
Gayonman ang mga benepisyo ay hindi rin maiiwasang mag-alala ang iba nating kababayan sa posibilidad na ang national ID ay maging daan para maabuso at manakawan ng mahahalagang impormasyon ang mga mamamayan.
Tiniyak naman ng Pangulo na ang mga impormasyon na maitatala sa naturang ID ay hindi magiging iba sa mga nakatala at tinataglay na ng Philippine Statistics Authority (dating National Statistics Office o NSO), SSS, GSIS at iba pang ahensiya na kumakalap ng personal data ng mga tao kaya hindi malalabag ang kanilang “right to privacy.” Naiulat na bukod sa larawan ng nagmamay-ari ng ID, ilan sa maitatala ang kanyang pangalan, kasarian, kaarawan, lugar ng kapanganakan, blood type at marital status.
Mga pangkaraniwang impormasyon lang ito kaya ayon nga kay Duterte, wala raw dapat ipag-alala ang mga mamamayan maliban na lamang kung sangkot sila sa mga ilegal na gawain.
Pero alalahanin din natin na ang bilang ng mga Filipino sa kasalukuyan ay nasa 100 milyon na. Hindi biro ang laki ng data na makakalap at kailangang itabi sa iisang lugar lamang. Paano matitiyak na ligtas ang lahat ng sensitibong impormasyon ng ating mga kababayan at hindi maha-hack? Paano seseguradohin na hindi magkakaroon ng identity theft?
Batid natin na maganda ang hangarin para maglagay ng national ID. Pero hindi naman masasabi na walang batayan ang pag-aalala ng iba dahil maaalalang kahit ang Commission on Elections (Comelec) ay hindi nakaligtas sa mga hacker noong 2016. Bukod diyan ay marami rin malalaking kompanya na ang mga sistema ay naprehuwisyo ng mga hacker sa mga nakalipas na taon.
Tandaan na hindi biro-biro ang impormasyon na ipagkakatiwala sa inyo ng mga mamamayan kaya nararapat lang na pangalagaan nang husto. Ngayon pa lang ay patatagin na ninyo nang todo ang sistema kaugnay ng national ID upang hindi umabot sa pagkakataon na maaabuso ang karapatan ng mga mamamayan.
***
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View

FIRING LINE
ni Robert Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *