Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Modernisasyon ng jeepney tinutulan (Sa Senado)

Hataw Frontpage Modernisasyon ng jeepney tinutulan (Sa Senado)
Hataw Frontpage Modernisasyon ng jeepney tinutulan (Sa Senado)

BINATIKOS ng ilang senador ang hindi makatarungang panukalang modernisasyon para sa mga pam­publikong sasakyan katulad ng mga jeepney, na ipinanukala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ayon kina Senadora Grace Poe, chairman ng Senate Committee on Public Services, nanguna sa pagdinig, at Senador Ralph Recto, hindi kaka­yanin ng mga kasalu­kuyang operator at mga driver ang panukalang modernisasyon.

Sinabi nina Poe at Recto, sa kabila ng tulong pinansiyal na P80,000, ito ay hindi sapat sa pre­s-yong P1.8 milyon kada isang bagong electric jeepney na nais ng pama­halaan.

Pinuna rin ni Poe ang magiging epekto nito para sa mga pasahero sa sandaling tuluyang ipa­tupad ang moderni­sa­s-yon.

Hanggang sa Marso na lamang ang huling buwan nang pagpa­pa­liban ng pagpapatupad ng modernisasyon.

Naniniwala sina Poe at Recto na hindi lamang ang commuters ang lub­hang maaapektohan kun­di marami rin papa­taying mga tsuper at operator dahil mawawalan sila ng kanilang kabuhayan para sa kanilang mga pamilya.

Iginiit ni Recto na hindi maaaring gawing pananggalang ng LTFRB ang usapin ng Clean Air Act dahil maaaring mag­sagawa ng emission testing sa bawat jeep upang malaman kung ito ay nakasusunod sa batas.

Dahil dito, naniniwala sina Poe at Recto na hindi biro ang panukalang ito ng pamahalaan kung wa­la silang sapat na pondo para matulungan o maalalayan ang operator o tsuper para makabili ng bagong unit ng sasakyan.

ni NIÑO ACLAN

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …